^

PM Sports

Wagi ang Hari ng Yambo sa PCSO Freedom Cup

ATan - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nakuha ng Hari Ng Yam­bo ang unang mala­king panalo sa taon nang do­minahin ang 2014 PC­SO Freedom Cup kaha­pon sa MetroTurf sa Malvar, Batangas.

Si JPA Guce ang siyang sumakay sa anim na ta­ong gulang na kabayo na nasa unahan mula sa ali­san para ipakita ang ma­gandang kondisyon ng kabayo sa 1,600-metrong karera.

Ang premyong P800,000.00 ang napana­lunan ng connections ng Hari Ng Yambo na isang leg winner nong 2011 Tri­ple Crown.

Ang outstanding fa­vo­rite na Pugad Lawin ay umayaw sa paglapit ng rekta para tumapos ang kabayong sakay ni Pat Di­lema sa pang-apat na pu­westo.

Sa pagbukas ng aparato ay agad na naglabanan sa unahan ang Hot And Spicy ni Mark Alvarez at Hari Ng Yambo, habang isang dipa ang layo na nakasunod ang Pugad La­win at Boss Jaden ni Jeff Ba­caycay.

Ganito ang puwestuhan hanggang sapitin ang far turn nang kinargahan na ni Guce ang sakay habang ang Pugad Lawin ay nagpaparamdam na rin nang kunin ang ikalawang pu­westo.

Ngunit ubos na ang 2013 Presidential Gold Cup champion at nag­lakad na sa huling 100-metro.

Sinikap ng rumere­m­a­teng Basic Instinct ni Reynaldo Niu Jr. na habulin ang Hari Ng Yambo pero tumulin pa ang anak ng Chapel Royal sa Daulide pa­ra sa halos tatlong dipang agwat na panalo.

Ang Golden Empire ni Kevin Abobo ang siyang kumuha sa ikatlong puwesto.

May P350,000.00 ang Basic Instinct, habang P200,000.00 at P150,000.00 ang naiuwi ng Golden Empire at Pu­gad Lawin.

 

ANG GOLDEN EMPIRE

BASIC INSTINCT

BOSS JADEN

CHAPEL ROYAL

FREEDOM CUP

GOLDEN EMPIRE

HARI NG YAMBO

PUGAD LAWIN

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with