Sonsona pinabagsak si Shimoda sa third round
MANILA, Philippines - Sa pagpapabagsak ni dating world super flyweight champion ‘Marvelous’ Marvin Sonsona kay dating world super bantamweight titlist Akifumi “Sugar†ShiÂmoda ng Japan ay posible siyang makasama sa undercard ng title fight nina Nonito ‘The Filipino Flash’ Donaire, Jr. at featherweight king Simpiwe Vetyeka sa Mayo 31 sa Cotai Arena ng Venetian Resort Hotel and Casino sa Macau, China.
Ito ang inihayag ni matchmaker Sampson Lewkowicz matapos ang naturang panalo ng 23-anyos na si SonÂsona (18-1-1, 15 knockouts).
“For now let’s enjoy the victory and probably by MonÂday there will be an announcement,†wika ni LewÂkowicz.
Isang right straight ang pinakawalan ni Sonsona, ang dating World Boxing Organization (WBO) super flyÂweight ruler, sa world No.2 ranked featherweight na si Shimoda (28-4-2, 12 KOs) sa third round.
Kasunod nito ay ang left uppercut na nagpatumba kay Shimoda.
Halos limang minuto nanatiling nakahiga si ShiÂmoÂda bago siya alalayan ng mga ring doctors pabalik sa kanyang corner.
Tinapos ni Sonsona ang laban sa loob ng 1:17 sa third round para hirangin bilang bagong WBO International featherweight champion.
Nakamit ni Sonsona ang WBO super flyweight crown noong 2009 mula sa kanyang unanimous decision victory kay Puerto Rican Jose Lopez sa Ontario, Canada.
Nawala kay Sonsona ang titulo sa kanyang unang pagdedepensa matapos sumobra sa weight limit noong 2010.
Itinuloy ang laban at nauwi sa draw ang laban ni SonÂsona kay Alejandro Hernandez.
Sa kanyang pagbabalik ay napabagsak si Sonsona ni Wilfredo Vasquez Jr. para sa bakanteng WBO junior featherweight belt.
“Hopefully Marvin Sonsona knows now what is right for his family, his country and himself,†sabi ni Lewkowicz sa tubong General Santos City na si Sonsona.
- Latest