Kevin Love humataw sa panalo ng Wolves vs Pacers
MINNEAPOLIS - Nasanay na si Kevin Love na dinadala sa kanyang mga balikat ang Minnesota Timberwolves.
Ngayon ay nakakuha na siya ng tulong at nakapagpahinga sa bench.
Humakot si Love ng 42 points at 16 rebounds, habang dinuplika ni guard Ricky Rubio ang isang franchise high na 17 assists para pangunahan ang Timberwolves sa 104-91 paggiba sa Indiana Pacers.
Nagdagdag si guard J.J. Barea ng 12 points mula sa bench at kaagad na nakontrol ng Timberwolves ang Eastern Conference leader na Pacers.
“This is one of my favorite wins of the season just because we played a very good team,†sabi ni Love. “We did it without two key players and we fought hard.â€
Ito ang ikawalong sunod na pagkakataon na humakot si Love ng higit sa 25 points at 10 rebounds, ang pinakamahaba matapos si Shaquille O’Neal noong Ene-ro 3-19, 2005.
Nagtala si Love ng isang NBA-best na 14 games na may 30 points at 10 rebounds ngayong season.
Ang basket ni Barea laban kay C.J. Watson ang nagbigay sa Minnesota ng isang 20-point lead sa 6:48.
Naglaro ang Timberwolves na wala sina injured starters Nikola Pekovic at Kevin Martin.
Pinangunahan ni Paul George ang Indiana sa kanyang 35 points, ngunit may 2 points lamang sa fourth quarter.
- Latest