^

PM Sports

Basketball marathon

POINT GUARD - Joey Villar, Nelson Beltran - Pang-masa

Walang hintong basketball game sa loob ng di bababa sa limang araw. Yan ang target na itala ng Philippine Basketball Marathon na nakatakdang magsimula sa Marso 24 sa Meralco Gym.

Tatlong Amerikano (Chuck Williams, Jeffery Moore at Tony Tatar) na parte ng world record holder ang mangunguna sa 30-man roster na susubok burahin ang kasalukuyang world record na 112 hours and 13 seconds.

Itinala ito ng mga miyembro ng Missouri Athletic Club sa St. Louis, Missouri noong Marso 21-25, 2012.

Sa kasalukuyan, ang dentista na si Larry Macanpanpan na seeded na sa grupo na haharap sa matin-ding pagsubok na may layuning lumikom ng pondo upang itulong sa mga biktima ng super typhoon Yolanda.

Kasalukuyan pang dumadaan sa medical procedure ang iba pang mga kandidato sa kakaibang basketball event na inoorganisa ng Asian Cable Enterprises Inc. (Access) sa pakikipagtulungan ng Samahang Basketbol ng Pilipinas.

 â€œTutulong kami with our technical people. Kasi baka malagpasan nga ang record tapos di lumusot dahil lang sa technicality,” ani SBP executive director Sonny Barrios.

 Bakit naman may kasamang American players? “Noong narinig nila yung Philippine Basketball Marathon at ang layunin nito, they immediately contacted us, expressing their sincere interest to help,” ani project director Peeya delos Reyes.

 â€œYung Guinness rule naman says it’s not necessarily all-Filipino participants. The most important is where it is held,” dagdag pa ni Delos Reyes.

***

Mukhang mauuwi rin sa tila basketball marathon ang Rain or Shine-San Mig Coffee duel para sa PBA Philippine Cup championship.

Kung pagbabasehan ang mga sultada sa unang tatlong laro, mukhang aabot sa deciding Game Se-ven ang kampeonato.

Nakakabilib ang enerhiyang ipinapakita ng San Mig Coffee lalo na’t kung ikokonsidera ang kanilang pinagdaanang serye sa semifinals kontra sa Barangay Ginebra.

Tingin ni coach Tim Cone, nakakuha na ng se-cond wind ang kanyang mga manlalaro at handang lumaro ng isa pang full seven-game series.

 

ASIAN CABLE ENTERPRISES INC

BARANGAY GINEBRA

CHUCK WILLIAMS

DELOS REYES

GAME SE

JEFFERY MOORE

LARRY MACANPANPAN

MARSO

PHILIPPINE BASKETBALL MARATHON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with