^

PM Sports

Martinez masayang nilisan ang Sochi Winter Olympics

Pang-masa

MANILA, Philippines - Nilisan na ni Filipino figure skater Michael Christian Martinez ang Sochi matapos sumabak sa 2014 Winter Olympics sa Russia at pinasalamatan ang lahat, lalo na ang mga doktor at therapists na umalalay sa kanya sa kasagsagan ng kompetisyon.

Sa isang Facebook post kahapon, pinasa-lamatan ng 17-anyos na skater ang mga sumuporta sa kanya sa Pilipinas at maging sa iba’t ibang bansa at sinabing dadal-hin niya ang kanyang magagandang alaala sa Sochi.

“Without them I would have not be able to compete. They always tell me that the previous injuries have not healed yet, then I come in with a new one,” ani Martinez sa mga doktor at therapist.

“That’s the skater’s life after all. You see us perform and smile but you don’t see the bumps and bruises hidden beneath our costumes. That’s how much we love skating!” dagdag pa niya.

Base sa kanyang profile na nakaposte sa Sochi 2014 Olympics website, apat na beses siyang nagkaroon ng injury.

Ngunit sa kabila nito ay nakaka-recover pa rin siya.

Nagkaroon siya ng hiwa sa hita dahil sa skate blade noong 2009; na-patiran ng dalawang ligaments sa kanyang ankle noong 2011; napigtasan ng medial collateral ligament sa kanyang tuhod noong 2012; at nagkaroon ng fractured ankle noong nakaraang taon.

“It takes one and a half month of full training prior to the Olympics versus the many years of preparation of older opponents and yet he (Martinez) managed to defeat 10 ve-teran skaters,” pahayag ng ina ni Martinez sa isang email.

vuukle comment

FACEBOOK

KANYANG

MICHAEL CHRISTIAN MARTINEZ

NAGKAROON

NGUNIT

NILISAN

PILIPINAS

SOCHI

WINTER OLYMPICS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with