Angat ang Mixers
MANILA, Philippines - Sa pagkakataong ito, hindi bumitaw ang depensa ng San Mig Coffee sa huling mga segundo ng laro para maipreserba ang 77-76 panalo sa Rain Or Shine sa Game Three ng PLDT my-DSL PBA Philippine Cup kagabi sa Smart Araneta Coliseum.
Tinutukan ng Mixers sina Paul Lee at Jeff Chan at si Marc Pingris ang siyang sumira sa konsentrasyon ni Chan nang binitiwan ang pampanalo sanang buslo upang hawakan ng tropa ni coach Tim Cone ang mahalagang 2-1 kalamangan sa best-of-seven title series.
Ang mahusay na depensa ni Pingris ay ginawa matapos ang dalawang matitinding assists para kay Joe Devance na nagbangon sa koponan mula sa 73-74 iskor sa huling 3:53 ng labanan.
Ang birthday boy na si Devance ay tumapos bitbit ang 13 puntos, 9 rebounds at apat na assists para masuportahan ang 14 puntos ni Peter June Simon.
May 13 puntos din si James Yap at 11 rito ay ginawa sa ikatlong yugto para makabawi ang Mixers mula sa 52-44 kalamangan ng Elasto Painters. (AT)
SAN MIG SUPER COFFEE 77 - Simon 14, Devance 13, Yap 13, Sangalang 12, Barroca 8, Pingris 7, Mallari 5, Reavis 4, Melton 1, De Ocampo 0.
RAIN OR SHINE 76 - Lee 23, Chan 11, Cruz 10, Almazan 7, Belga 6, Rodriguez 6, Quinahan 5, Norwood 4, Tiu 2, Ibanes 2, Tang 0, Teng 0.
Quarterscores: 19-20, 38-39, 63-64, 77-76.
- Latest
- Trending