NU kampeon sa UAAP tennis
MANILA, Philippines - Iginupo ni Christine Patrimonio si Rachelle de Guzman sa straight sets nang ungusan ng National U ang De La Salle U, 3-2 para makopo ang women’s tennis crown sa UAAP Season 76 sa Olivarez College courts sa Sucat kamakailan.
Tinalo ni Patrimonio, anak ng dating PBA star na si Alvin, si De Guzman. 6-4, 6-2 tagumpay.
Ang panalo ang kumumpleto sa come-from-behind victory ng NU na bumangon sa 1-2 deficit laban sa natanggalan ng koponang Lady Archers.
Matapos isuko ang opening singles, nakabawi ang NU sa panalo nina Marie Gold Nagret at Anna Vienna Biernes kina Lynette Palasan at Dasha Camille Bautista sa opening doubles, 6-2, 6-0,
Nakuha ng De La Salle ang dalawang singles matches kung saan napuwersang mag-retire si NU rookie Jzash Eale Canja dahil sa cramps sa huling bahagi ng second set upang ipalasap kay Ma. Regina Santiago ang panalo, 3-6, 5-4 (ret.). Nanalo naman si Marinel Rudas, 6-0, 6-4 victory kontra kay Hanna Grace Espinosa sa second singles para sa 2-1 kalamangan.
Ngunit nanalo si Patrimonio na sinundan ang tagumpay nina Kimberly Kaye Uytico at Junnalyn Polito kina Anne Rene Castillo at Nikkirey Arandia sa second doubles match, 6-3, 6-4.
- Latest