14th Gabriel ‘Flash’ Elorde Memorial Awards
MANILA, Philippines - Apat na world champions, sa pangunguna ni Hall of Famer Manny Pacquiao, ang mamumuno sa mga international at Philippine champions na kikilalanin sa 14th Gabriel “Flash†Elorde Memorial Awards na nakatakda sa Marso 25 sa Harbour Garden Tent ng Sofitel Hotel.
Aakyat sa entablado sina WBO light flyweight champion Donnie Nietes, International Boxing Fe-deration light flyweight title holder Johnriel Casimero, WBO minimumweight titlist Merlito Sabillo at ang nagbabalik na si Nonito Donaire para tanggapin ang kanilang awards bilang boxers of the year sa annual awards na idinadaos para kay ‘The Flash’.
Si Elorde ang unang Filipino na iniluklok sa International Boxing Hall of Fame mula sa malinis niyang record bilang world junior lightweight champion mula 1960 hanggang 1967.
Noong 2013, tinalo ni Nietes ang dalawang Mexicans para mapanatili ang suot na WBO light flyweight title na kanyang inagaw kay Ramon Garcia Hirales ng Mexico noong Oktubre 18, 2011 sa La Salle Coliseum sa Bacolod.
Isang majority decision win ang kinuha ni Nietes sa kanyang unang title defense laban kay Moises Fuentes noong Marso 2 sa Cebu City Waterfront Hotel.
Ang kanyang second defense ay isa namang third round knockout kay Sammy Gutierrez noong Nobyembre 30.
Napanatili naman ng 24-anyos na si Casimero ang kanyang hawak na IBF light flyweight crown ng tatlong beses, dalawa dito ay noong 2013 nang umiskor siya ng isang unanimous decision win kay Luis Alberto Rios ng Panama sa Panama City noong Marso 16 at isang 11th round TKO kay Felipe Salguero ng Panama ang inilista ni Casimero noong Oktubre 26 sa Makati.
- Latest