Team Philippines maaaring magdomina sa Group A
MANILA, Philippines - Lumakas ang pag-asa ng Pilipinas ukol sa kampanya nito sa tinatawag na ‘favorable group’ matapos ang idinaos na draÂwing of lots para sa 2014 PLDT HOME Fibr Asian Men’s Volleyball Club ChamÂpionship (AMCC) noÂong Biyernes sa New World Hotel.
Nakaiwas ang Filipino spikers na kaagad makaÂlaÂban ang mga Asian heaÂvyÂweights sa pagkaÂkaÂÂsama nila sa grupo ng Iraq, Kuwait at Mongolia sa Group A ng nasabing 18-team tournament na naÂkatakda sa Abril 8-16.
Ang Group B ay binuÂbuo ng mga regional poÂwerÂhouses na Iran at Japan bukod pa sa Lebanon at Vietnam, habang naÂsa Group C ang 2013 runner-up Qatar, KazakhsÂtan, Oman, Hong Kong at TurÂmekistan.
Inaasahang magdodoÂmina ang matatangkad na Chinese kontra sa United Arab Emirates, India, PaÂpua New Guinea at Chinese Taipei sa Group D.
Ang magkakampeon ang makakakuha ng tiket paÂra sa International Volleyball Federation World Club Championships sa Betim, Brazil sa Mayo.
Si Asian Volleyball ConÂfederation (AVC) exeÂcutive vice-president ShanÂrit Wongprasert ang naÂnguna sa drawing of lots kasama ang mga amÂbasÂsadors at dignitaries ng United Arab Emirates, Lebanon, Kuwait at Iraq.
Nasa okasyon rin sina AMCC organizing comÂmitÂtee chairman Philip ElÂla Juico, Philippine VolÂleyball Federation preÂsident Karl Chan at PLDT vice president and head of HOME broadband Gary Duvali.
“This is the beginning of the renaissance of PhiÂlippine volleyball in the international arena,†paÂhayag ni Juico, ang daÂting chairman ng Philippine Sports Commission (PSC) sa torneo. “And a successful hosting of this tournament will formaÂlize our return in the inÂternational volleyball cirÂcuit.â€
- Latest