Splash of Class lumabas ang tunay na bangis
MANILA, Philippines - Ang pagkakaroon ng magandang premyo ang tila nakatulong para luÂmaÂbas ang bangis ng Splash Of Class sa isinagaÂwang PCSO Special Race kahaÂpon sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite.
Si Dominador Borbe Jr. ang siyang dumiskarÂte sa kabayo na hindi naÂpaboran pero siyang luÂmabas na kondisyon maÂtapos dominahin ang 1,300-metro distansyang kaÂrera.
Ito ang unang panalo ng kabayo na dating sakay si JB Cordero sa taon.
Nahagip ng connections ang P100,000.00 premÂyo na inilaan ng PhiÂlippine ChariÂty SweepÂstakes Office sa naÂnalong kabayo.
Walong kabayo ang naglaban sa karera ngunit pagbukas ng aparato ay agad na bumulusok ang Splash of Class.
Sinikap ng Red Cloud at Yankee Three na sumaÂbay pero bumitiw ang huÂli sa pagdadala ni JB GuÂce.
Nakadikit pa ang Red Cloud na hawak ni Val DiÂlema at top choice sa benÂtahan pero hindi buÂmiÂÂgay ang Splash Of Class tungo sa panalo.
Naorasan ang nanalong kabayo ng 1:24 sa pinaglabanang distansya na unang tinakbuhan dahil ang mga huling mga karera na hinarap ay nasa 1,400-metro karera.
Ang second choice na Lady Leisure ay pumaÂngatlo lamang, habang ang Chelzeechelzechelz ay puÂmang-apat na tumawid sa meta.
Dahil nadehado, nagÂkamit ng P38.00 ang naÂnalig sa husay ng Splash Of Class habang ang forecast na 8-4 ay nagÂpasok ng P52.00.
- Latest