^

PM Sports

Sa class division 1 Midnight Belle nalo kay JL Lazaro

Pang-masa

MANILA, Philippines - Nakitaan ng husay si class C  jockey JL Lazaro sa ibabaw ng Midnight Belle nang manalo ang kabayo sa class division 1 race noong Huwebes ng gabi sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.

Hindi pa pumupuwesto ang nasabing kabayo sa mga naunang takbo nga-yong taon ang Midnight Belle kaya’t itinanghal na malayong third favorite sa 1,500-metro karera.

Tila pangangatawanan din ng Money Song sa pagdiskarte ni CM Pilapil ang pagiging  paborito nito sa karera nang kunin ang liderato pero sa back stretch ay humabol at nakalamang pa ang Midnight Belle.

Panandalian lamang ang pagtangan ng anim na taong mare horse sa kalamangan dahil tumulin uli ang Money Song para umangat uli pagsapit sa rekta.

Pero hindi pa ubos ang Midnight Belle at sa hu-ling 50-metro ay nakuha pa ang kalamangan bago itinuloy hanggang sapitin ang meta.

Anak ng Baseball Champion at Midnight Star, ang win ay nagkahalaga ng P63.50 pero ang forecast na 8-5 ay pumalo lamang sa P29.00 dibidendo.

Ang pagpangalawa ng Money Song ay ikalawang sunod at nanatiling isa pa lamang ang panalo ng kabayo na nangyari noong Enero 8 sa isang 4YO and Up Maiden race.

Pinutol din ng Ati Atihan ang kawalan  ng kinang sa taon matapos manalo sa Alimentador sa 3YO Handicap Race one habang nakuha ng Naugh Naugh ang unang panalo sa 2014 matapos mangi-babaw sa class division 4 race.

Dominado ng tatlong taon na filly na Ati Atihan ang kabuuan ng karera pero kinailangan din ni Fernando Raquel Jr. na harapin ang hamon ng Alimentador sa pagdadala ni CV Garganta at ang paboritong Colonial Star ni JB Cordero.

Nakadikit ang Alimentador ng hanggang isang dipa sa huling 75-metro pero buo pa ang Ati Atihan para makuha ang panalo.

Naghatid ang unang panalo ng kabayo ng P22.50 sa win habang P94.00 ang ibinigay sa 1-2 forecast.

Pinangatawanan ng Naugh Naugh ang pagiging paborito sa siyam na kabayong naglaban sa class division 4 nang maihatid ito sa panalo ni Mark Alvarez bitbit ang top weight na 55 kilos.

Pinawi ng Naugh Naugh ang mahinang panimula nang humataw  ito sa back stretch at maabutan ang nangungunang Take The Crown sa rekta.

Pinilit ni RH Silva na mailabas pa ang Take The Crown pero naglalalad na ito para makalayo pa ang Naugh Naugh.

Nakabawi ang nanalong kabayo buhat sa pang-limang pagtatapos sa unang takbo noong Pebrero 4 sa pagdadala ni Jonathan Hernandez at naghatid ang win ng P8.00 habang P18.00 pa ang ibinigay sa 4-8 forecast. (AT)

ALIMENTADOR

ATI ATIHAN

BASEBALL CHAMPION

COLONIAL STAR

FERNANDO RAQUEL JR.

MIDNIGHT BELLE

MONEY SONG

NAUGH

NAUGH NAUGH

TAKE THE CROWN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with