^

PM Sports

GAB nasermunan

POINT GUARD - Joey Villar, Nelson Beltran - Pang-masa

Kilalang cool at composed bilang manlalaro at coach si Fritz Gaston, court leader mula sa kanyang kapanahunan bilang UST Cub, Ateneo Eagle at pro player na naglaro sa U/Tex, San Miguel Beer, Crispa, Manila Beer at Presto.

 Kung hindi mali ang aking alaala, siya ang kauna-unahang nag-silbing pangulo ng PBA Players Union. At habang nagpapagaling ng injury, mina-buting mag-avail ng scholarship upang kumuha ng master of business administration sa Asian Institute of Management. Isa siya sa mga kakaunting manlalaro na may tangan na masteral degree.

 Hanggang maupong commissioner ng Games and Amusements Board, Mr. Cool pa rin si Fritz.

 Ngunit medyo nawala ang coolness at composure nang mapaliguan ng sermon sa Congressional hearing ng House committee on games and amusements noong Miyerkules.  Siya ang naupo sa mainit na silya samantalang nasa biyahe sa abroad ang GAB chairman na si Ramon Guanzon.

 Puna ni committee chair Elpidio Barzaga na tila natutulog sa pansitan ang GAB at nagpayo na maging proactive ang GAB sa kanilang trabaho bilang regulator at taga-lisensya ng lahat ng pro sports sa bansa.

 Basketball fanatic pala si Barzaga at hindi siya ayon sa pagbibigay ng PBA ng isang buwan at kalahati lamang na panahon upang magprepara ang Gilas Pilipinas sa kanilang kampanya sa 2014 FIBA World Cup.

 Ang bungad niyang tanong kay Fritz, gaano kahaba ang panahon na palagay mo ay nararapat upang malagay sa tamang kahandaan ang National team? Tatlong taon ang sagot ni Fritz.

 At nagsimula na ang sermon dahil kumbinsido si Barzaga na may power ang GAB upang matulungan ang National team sa mga bagay na ito.

 May mungkahi pang huwag isyuhan ng lisensya ang mga koponan o manlalarong ayaw pumailalim sa programang pagpapalakas ng National team.

 Nang mukhang medyo napikon na, sambit ni Fritz: “Eh di, hindi namin bibigyan ng lisensya.”

 Sa huli, wala ring nabalangkas na malinaw na usapan dahil, unang-una, wala naman si National coach Chot Reyes sa hearing at hindi narinig ang kanyang short-term at long-term programs.

Kay Rep. Amado Bagatsing nanggaling ang isang sound na suhestyon. Mungkahi niya na gumawa naman sana ang PBA ng maliit na tournament na ang proceeds ay mapupunta sa National team program.

 â€œSa ngayon walang problema dahil nandiyan si MVP (Manny V. Pangilinan). Pero paano kung magsawa na sa pagtulong iyan?” ani Bagatsing.

 Paano nga naman?

AMADO BAGATSING

ASIAN INSTITUTE OF MANAGEMENT

ATENEO EAGLE

BARZAGA

CHOT REYES

ELPIDIO BARZAGA

FRITZ GASTON

GAMES AND AMUSEMENTS BOARD

GILAS PILIPINAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->
ad