Bakasyon na ang Ginebra San Mig sa finals
MANILA, Philippines - Ginamit ni James Yap ang knockout game sa pagitan ng San Mig Coffee at Barangay Ginebra para ipakita na taglay pa niya ang shooting na hinangaan sa kanya nang gabayan ang Mixers patungo sa PLDT-myDSL PBA Philippine Cup Finals sa 110-87 panalo kagabi sa Smart Araneta Coliseum.
Naghatid si Yap ng kanyang season high 30 puntos at 24 rito ay ginawa sa first half para bigyan ng kumportableng kalamangan ang Mixers bago itinuloy nina Peter June Simon ang pag-arangkada sa second half tungo sa pag-angkin ng best-of-seven semifinals series sa 4-3 panalo.
Umabot sa record crowd na 24,883 ang nanood sa inasahang klasikong tagisan ngunit si Yap ang kumuha ng atensyon nang tumapos siya taglay ang 7-of-10 shooting sa 3-point line.
Lima ang kanyang ibinigay sa first half at dalawa rito ang kanyang kinamada matapos ang 36-all iskor para itulak ang bataan ni coach Tim Cone sa 57-44 bentahe.
Dalawang tres na lamang ang naibigay ni Yap sa huling 24 na minuto ng bakbakan pero hindi na naram-daman ito ng Mixers dahil sa pag-iinit ni Simon na gumawa ng 18 sa huling yugto.
May 28 puntos na panuporta si Simon habang naroroon din ang gilas nina Ian Sangalan, Mark, Barroca at Marc Pingris para ipasok ang Mixers sa championship series sa ikalawang sunod na conference.
Makakaharap ng San Mig Coffee ang Rain Of Shine sa best-of-seven Finals series na magsisimula bukas.
“I’ve never seen a shooting performance like that ever in my career in a Game Seven,†wika ni Cone kina Yap at Simon. “With a shooting like that, no one was going to beat us.†(AT)
SAN MIG SUPER COFFEE 110 - Yap 30, Simon 28, Sangalang 15, Reavis 15, Ping-ris 8, Barroca 6, Mallari 6, Devance 2, Melton 0.
GINEBRA 87 - Caguioa 23, Aguilar 17, Tenorio 16, Slaughter 12, Mamaril 6, Helterbrand 5, Ellis 4, Baracael 3, Reyes 1, Monfort 0, Urbiztondo 0.
Quarterscores: 28-20, 57-44, 79-67, 110-87.
- Latest