May ibubuga pa ang NU pep squad
MANILA, Philippines -Sa kabila ng kanilang mga tagumpay sa nilahukang mga torneo, marami pang maipapakita ang Bulldogs Pep Squad ng National University.
“Hindi pa kami nagpe-peak in terms of performance. We know, marami pang puwedeng ipakita ang aming team. Marami pa kaming pwedeng gawin,†wika ni NU coach Ghicka Bernabe.
Ipinoste ng Bulldogs Pep Squad ang 314.5 points, mas mataas ito ng 16 points sa dating record na kanila ring itinala noong isang taon, sa NCR qualifier ng National Cheerleading Championships kamakailan.
Sinabi ni Bernabe, isang dating FEU star flyer, na ang kanilang pinakapa-ngarap ay ang makasali sa international competition.
“Ang aming goal po talaga is to one day wave our flag in international competitions,†ani Bernabe. “Right now, that is our target. We are perfecting our routines and steps so we can ready ourselves for the bigger stage one day.â€
“Gusto po namin ma-conquer ang Asia and then the world!†dagdag ni Bernabe matapos ang kanilang tagumpay kontra sa 24 pang kalahok sa NCR qualifiers kagaya ng UST, UE at Ateneo.
Sa magandang ipinapakitang ito ng NU, kumpiyansa ang veteran cheerleading judge na si Paula Nunag na malayo pa ang mararating ng Bulldogs Pep squad.
Ayon kay Nunag, kung ipagpapatuloy lamang ng Sampaloc-based squad ang kanilang pagpupursige, may kakakayahan ang mga ito na makipagsabayan sa mundo.
- Latest
- Trending