^

PM Sports

Sto. Tomas volleybelles maghahabol sa Final 4

The Philippine Star

MANILA, Philippines - Palalakihin ng UST ang katiting na siwang na ibinigay sa kanila para makahabol sa Final Four sa pag-asinta ng panalo laban sa Ateneo sa UAAP women’s volleyball ngayon sa The Arena sa San Juan City.

Nabuhay uli ang laban ng Lady Tigresses nang matalo ang FEU at Adamson sa kanilang huling mga laro para magkaroon pa ng pagkakataon na makatabla sa huling puwesto papasok sa susunod na yugto.

May 4-8 baraha, kailangan ng UST na manalo ngayon sa  Adamson sa huling laro para makahirit ng playoff.

Sina Pamela Lastimosa at Carmela Tunay ang mamumuno sa koponan pero kailangan nila ang suporta ng ibang kasamahan bagay na hindi nakita nang walisin ng La Salle ang FEU sa huling laro.

Si Alyssa Valdez na number two scorer sa liga sa 180 kills, 33 service aces at 18 blocks, ang mamumuno sa Lady Eagles na balak na maipanalo ang huling dalawang laro para magamit bilang momentum patungo sa Final Four.

Ikalawang laro ang nasabing tagisan at mapapanood matapos ang pagkikita ng La Salle at UE sa ganap na ika-2 ng hapon.

Ika-13 sunod na panalo ang makukuha ng Lady Archers na magagamit bilang pantulak bago banggain ang National University para sa liderato sa liga. (AT)

vuukle comment

ADAMSON

CARMELA TUNAY

FINAL FOUR

LA SALLE

LADY ARCHERS

LADY EAGLES

LADY TIGRESSES

NATIONAL UNIVERSITY

SAN JUAN CITY

SI ALYSSA VALDEZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with