Hagdang Bato matunog na Horse of the Year
MANILA, Philippines - Kikilalanin ng Philippine Thoroughbred Owners and Breeders’ Organization ang mahuhusay na kabayo na nakita sa nakaraang taon na nanggaling sa kanilang miyembro.
Gagawin ito sa MetroTurf sa Pebrero 23 sa paglarga ng 2014 Philtobo Gintong Lahi Awards at 15 kategorya ang bibigyan ng pagkilala.
Tampok na parangal ang igagawad sa pinakamahusay na kabayo na Horse of the Year at limang kabayo ang nominado para sa nasabing kategorya.
Mangunguna na rito ang Hagdang Bato na magbabakasakali na makadalawang sunod sa parangal.
Ang kabayong pag-aari ni Mandaluyong City Mayor Benhur Abalos ang siyang itinalaga sa nasabing parangal noong 2012.
Hands down na ang Horse of the Year title sa nasabing kabayo sa nagdaang taon kung di lamang nabigo sa pinun-tiryang ikalawang sunod na Presidential Gold Cup matapos ang pang-apat na puwestong pagtatapos lamang.
Bago ang karerang ito, ang Hagdang Bato ay nagkampeon sa PCSO Freedom Cup at Silver Cup, Philracom Commissioner’s Cup at MARHO Breeders’ Cup.
Lumabas pa rin ang kabayo bilang top earner sa nagdaang taong karera sa P5,550,004.00 premyo.
Ang Pugad Lawin ang nakasilat para sa PGC para maisama ito sa pinagpipilian.
Ang double leg champion ng 2013 Philracom Triple Crown Championship na Spinning Ridge, Be Humble at Kid Molave ay kasama rin sa talaan.
- Latest