^

PM Sports

Coach Cheeks sinibak ng Detroit

Pang-masa

DETROIT – Biglaan ang pagsibak ng  Detroit kay coach Maurice Cheeks nitong Linggo, wala pang isang taon habang hindi maganda ang tinatakbo ng koponan sa likod ng kanilang mga offseason trades para palakasin ang team.

.Ang Detroit na may 21-29 record bagama’t may tsansa pa rin ang koponan na makapasok sa playoffs sa Eastern Conference, ay hindi naging consistent sa kanilang performance.

“This was a difficult decision for the organization to make but we needed to make a change,” sabi ni team president Joe Dumars sa statement. “We have great res-pect for Maurice and appreciate his hard work.”

Ayon sa taong may alam ukol sa plano ng Detroit,  si assistant John Loyer ang tatayong interim coach.

Hindi pa nakakapasok ang Pistons sa playoffs sapul nang ma-sweep sa first round noong 2009 sa tanging season ni Michael Curry bilang coach.

Mula noon, ang Detroit ay hinawakan ng dalawang season ni John Kuester at dalawa din kay Lawrence Frank.

At walang nakapag-angat sa dalawang ito sa Detroit kaya kinuha si Cheeks bilang ika-9 na coach ng koponan.

 

ANG DETROIT

AYON

BIGLAAN

EASTERN CONFERENCE

JOE DUMARS

JOHN KUESTER

JOHN LOYER

LAWRENCE FRANK

MAURICE CHEEKS

MICHAEL CURRY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with