^

PM Sports

PBA D-League Aspirants Cup: Agawan sa 1-0 kalamangan

AT - Pang-masa

Laro NGAYON

Semifinals (best-of-3)

(The Arena, San Juan City)

2 p.m. – NLEX vs Hog’s Breath Café

4 p.m. – Big Chill vs Blackwater Sports

 

MANILA, Philippines - Matapos ang ilang araw na pahinga, balik-aksyon ang NLEX at Big Chill na susubukang makalapit sa championship round sa pagbubukas ng PBA D-League Aspirants’ Cup semifinals ngayon sa The Arena sa San Juan City.

Best-of-three ang serye at katipan ng nagdedepensang kampeong Road Warriors ang baguhan pero palabang Hog’s Breath Café sa ganap na ika-2 ng hapon bago sumalang ang Superchargers kontra sa Blackwater Sports dakong alas-4 ng hapon.

Ang tropa nina coach Boyet Fernandez at coach Robert Sison ay dumiretso sa Final Four matapos angkinin ang unang dalawang puwesto sa elimination round.

Sa kabilang banda, dumaan muna sa quarterfinals ang Razorbacks at Elite para maabot ang yugto.

Ang extra na laro ay inaasahang nagpakondisyon sa Hog’s Breath at Blackwater  para tumibay ang paghahabol sa puwesto bilang mga koponang may mababang seeding.

Hindi nagkukumpiyansa si Fernandez sa Razorbacks kahit mas beterano ang kanyang manlalaro dahil ang koponan ni coach Caloy Garcia ang natatanging koponan na tumalo sa Road Warriors at Superchargers.

Ipinalasap ng Hogs Breath ang unang kabiguan sa conference ng NLEX, 83-78 noong Nobyembre 28 bago isinunod ng Big Chill, 84-68, noong Enero 30.

“Hog’s is a very strong team. They are the only team to beat NLEX and Big Chill which apparently are the top two teams at the end of the elimination. So it’s going to be a tough, classic match-up,” pahayag ni Fernandez.

Sinasabing makakasama na ng four-time champion Road Warriors ang gunner na si Garvo Lanete para mabuo uli ang puwersa ng koponan na kinatatampukan pa ng mahuhusay na sina Ola Adeogun, Kevin Alas, Art Dela Cruz Jr. at Ronald Pascual.

Aasahan naman ni Hogs Breath coach Caloy Garcia ang katatagan ng kanyang mga kamador tulad nina Kevin Racal, Jansen Rios, Philip Paniamogan at Paul Sanga para magkaroon ng tsansang makauna sa serye.

“NLEX have all the advantage. They’re an experienced and talented team. For us to win, we have to be strong enough to stay with them until the last two minutes and hope the breaks will favor us,” pahayag ni Garcia.

ART DELA CRUZ JR.

BIG CHILL

BLACKWATER SPORTS

BREATH CAF

CALOY GARCIA

HOGS BREATH

ROAD WARRIORS

SAN JUAN CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with