Volleyball at fitness pag-uusapan sa PSA
MANILA, Philippines - Dalawang upcoming events sa fitness at volleyball ang pag-uusapan ngayon sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum sa Shakey’s Malate.
Ang Manila Throwdown 2014 at ang opening leg ng Petron Ladies Beach volleyball tournament ang tatalakayin sa public sports program na maririnig ng live sa DZSR Sports Radio 918 at handog ng Shakey’s, Accel at Philippine Amusement and Gaming Corporation.
Darating para sa Manila Throwdown ay sina project director Miguel Dy Buncio, logistics manager Jun Uy, athlete representative Chino Roque at race director Xhi Tabalan. Ang organizer na si Tisha Abundo at mga participants ng Petron Ladies beach tournament ay darating para i-discuss ang Feb. 15-16 tournament sa Cagayan.
Ipinapaalala ni PSA president Jun Lomibao ng Business Mirror na ang Forum ay public service program at may website na www.psamedia.ph.
- Latest