Pakarera ng PCSO lalarga sa Peb. 15
MANILA, Philippines - Bubuksan ang mga pakarera ng Phi-lippine Charity Sweepstakes Office sa susunod na Sabado (Pebrero 15) sa pag-larga ng Special Maiden race sa Santa Ana Park.
Ang karerang ito ay bukas para sa mga edad tatlong taon gulang na kabayo at lalahukan ito ng 11 mananakbo.
Ang mga magsusukatan sa 1,200-metro distansya ay ang mga kabayong Fort Courage, Abantero, Real Lady, Royal Reign, Wild Talk, Kanlaon, Black Town, Tan Goal, Joeymeister, Batangas Dream at Hermosa Street.
Nagsukatan na ang mga kabayong ito sa isang trial race at ang Kanlaon na sakay ni Jessie Guce ang lumabas na kampeon.
Tinalo nito ang Wild Talk na ginabayan ni JL Paano bago tumawid sa ikatlo at apat na puwesto ang Black Town (KB Abobo) at Real Lady (DH Borbe Jr.).
Dalawang karera ang inihandog ng PCSO sa buwan ng Pebrero at ang ikalawa at tampok na karera ay ang Freedom Cup sa Pebrero 23 sa MetroTurf.
Sa isang milya inaasahang ilalagay ang karerang ito at lalahukan ng mga premyadong mananakbo.
Samantala, magsisi-mula ang dalawang magkasunod na pakarera sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite at mainit na labanan agad ang matutung-hayan sa 3YO and above maiden fillies na bibigyan ng P10,000.00 ng Philippine Racing Commission (Philracom) ang mananalo.
Sa 1,400-metro distansya isasagawa ang karera na sasalihan ng 11 kalahok.
Ang mga kasali at mga hinete ay Primadonna ni JB Guce, Sharp Look ni AR Villegas, Malikhain ni EL Blancaflor, Angel Looks ni LF De Jesus, Pintados ni FM Raquel Jr, Hasty Cat ni LT Cuadra, Sky Bird ni AB Alcasid Jr., Director's Magic ni EG Reyes, Zhanet ni JL Paano, Maximum Velo-city ni KB Abobo at Jazz Again ni CJ Reyes. Ang Malikhain at Sky Bird ang mga kasali na edad apat na taong gulang para bahagyang mapaboran pero hindi magpapadehado ang ibang kasali dahil na rin sa gantimpalang paglalabanan. (AT)
- Latest