Mukhang malabo si McGee kaya si Blatche na lang
MADRID – Si Denver Nuggets center JaVale McGee, dalawang beses nang bumisita sa Pinas, ang top candidate para lumaro sa Gilas Pilipinas bilang naturalized citizen sa FIBA World Cup sa Spain sa Aug. 30-Sept. 14 ngunit dahil may fracture sa kaliwang binti na dahilan para malimitahan ang paglalaro sa NBA sa five games, tila si Andray Blatche ng Brooklyn Nets ang kukuning back-up ni Marcus Douthit.
Base sa FIBA rules, isang naturalized player per country lamang ang puwedeng lumaro.
Sa nakatakdang World Cup, ilang naturalized players ang inaasahang maglalaro kabilang sina John Holland ng Boston University para sa Puerto Rico, Dontaye Draper ng College of Charleston para sa Croatia, Larry Taylor ng Missouri Western para sa Brazil, Serge Ibaka ng Congo o Nicola Mirotic ng Montenegro para sa Spain, Pooh Jeter ng University of Portland para sa Ukraine, Eric Sandrin ng Seattle Pacific para sa Korea, Reggie Moore ng Oral Roberts University para sa Angola, Omar Samhan ng St. Mary’s College para sa Egypt at Louis Adams ng South Carolina State para sa Senegal.
Sinabi ni Gilas coach Chot Reyes na inabisuhan na niya si McGee at Blatche na pumunta sa Manila sa July 1 para magsimula ng training. Inaasahang mas mauunang dumating si Douthit.
Sisimulan ni Reyes ang Mondays-only weekly practice pagkatapos ng PBA Philippine Cup finals. Sina McGee, Blatche at Douthit ay isasama sa 24-man lineup ng Gilas na isusumite sa FIBA bago ang June 30 deadline.
Ayon kay Reyes, sinabihan na siya ng PBA Board of Governors na maaari siyang kumuha ng karagdagang players na idadagdag sa Gilas training pool. May 12 PBA players na sa pool bukod pa kina Douthit, McGee at Blatche.
Inaasahang limang cadet players (Louie Alas, Garvo Lanete, Matt Ganue-las and Jake at Ronald Pascual) bukod pa kina Barangay Ginebra center Greg Slaughter, Marcio Lassiter ng Petron, Jay Washington ng Globalport at Sonny Thoss ng Alaska ang idadagdag sa pool.
Ayaw pang magsalita ni Reyes kung sino ang kasama sa team hangga’t hindi pa niya nakakausap ang mga players.
Si Rep. Robbie Puno ang nag-file ng bill para i-naturalize sina McGee at Blatche ngunit kaila-ngan munang aprubahan ng Congress, Senate at ng Presidente bago ang deadline falls ng pagsusumite ng 24-man cast.
Kung magkakaroon ng injury sina McGee at Blatche, sinabi ng source na ang 6-11 Denver Nuggets center na si Anthony Randolph, 24-gulang ang posibleng kapalit.
- Latest