^

PM Sports

Mud Slide Slim may balak uli

Pang-masa

MANILA, Philippines - Maipagpapatuloy ang magandang ipinakita sa hu-ling takbo ang balak ng handlers ng Mud Slide Slim sa pagsali nito sa 3YO Special Handicap Race ngayon sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite.

Walong karera ang matutunghayan sa ikalawa at huling araw ng pista sa bakuran ng Philippine Racing Club Inc. (PRCI) at ang Mud Slide Slim ang inaasa-hang mapapaboran sa pitong tatakbo sa isang milyang distansya.

Si Val Dilema ang hinete uli ng kabayo na magbabalak na ulitin ang ipinakitang dominasyon sa 1,400m 3YO and Up Maiden Race noong Enero 29 sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.

Ang mga hahamon sa husay ng tatlong taong colt ay ang Yankee Three, Red Cloud, Lady Leisure, Director’s Play, River Mist at Sinulog.

Sa mga ito, ang Sinulog at Lady Leisure ang mga inaasahang sasabay sa ipakikita ng Mud Slide Slim.

Ang Lady Leisure na sakay ni Dar. De Ocampo ay tumapos sa ikapitong puwesto sa huling takbo kaya’t inaa-sahan na gagawin lahat ni De Ocampo para makabawi.

Tampok na karera ay ang 3YO and UP Maiden Race sa 1,100m at sinahugan ito ng P10,000.00 gantimpala para sa mananalong kabayo.

Ang Square Deal na tatakbo kasama ng Smart Kid ang ipinalalagay na mapapaboran matapos pumang-apat ang kabayong rerendahan ni NK Calingasan noong Enero 31.

Ang iba pang kasali ay ang Royal Jester, Attila, Papa Joe, Mr. Enrico, Alimentador at coupled entry Top Prize, Great Bull Run, Our Moment, Ayan Na, Classic Example at stablemate Swim Event. (AT)

vuukle comment

ANG LADY LEISURE

ANG SQUARE DEAL

AYAN NA

CAVITE

CLASSIC EXAMPLE

DE OCAMPO

ENERO

GREAT BULL RUN

LADY LEISURE

MUD SLIDE SLIM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with