83 kabayo sa 8 karera maglalaban-laban
MANILA, Philippines - Walong karera at 83 kabayo ang mga maglalaban-laban para sa unang panalo sa buwan ng Pebrero na mangyayari ngayong gabi sa bakuran ng Santa Ana Park sa Naic Cavite.
Maaksyon agad ang bubungad sa unang karera dahil isa itong class division five race na inilagay sa 1,100m distansya.
Ang Purple Ribbon na hawak ni JB Cordova at Seni Seviyorum na gagaba-yan ni Jonathan Hernandez ang inaasa-hang magbabakbakan para sa panalo.
Nagtuos na ang dalawang kabayo noong Enero 15 sa nasabing pista at nanalo ang Purple Ribbon sa labanan.
Inaasahang palaban din ang Naga at Appointment.
Isang class division 2 ang magaganap sa race two na paglalabanan sa 1,200m at sampung kabayo ang magbabakbakan.
Ang Lady Wants To Know na sakay ni EG Reyes Jr. ang isa sa mga inaasa-hang papaboran bukod pa sa Jenny’s Cat (JB Guce), Classy (KB Abobo) at Mr. Integrity (SC Lim).
Ang Narra na sakay ni JB Guce at may 57 kilos handicap weight bukod pa sa Yes Yes Yes (JB Hernandez), Papa Ethan (JF Paroginog) at coupled entry Mighty Zeus (IL Aguila) at Siopaokinghaha (BM Yamzon) ang mga magsusubukan sa race three habang ang Platinum Lance (DH Borbe Jr), Conqueror (JB Bacaycay), Apo Express (CH Moreno) at coupled entry Key Lever (JV Ponce) at Pencil Away (EG Reyes Jr.) ang mga maglalaban sa race four na isang class divison 1 race.
Ipinalalagay na kondisyon ang Bringer Of Rain, Akire Onileva, Nash at Going West sa race five na class division 3; ang Pinas Paraiso, Mr. Victory, Sailing Away at Super Charge sa race six na special handicap race; Pilyo, Mike Zam Lady, Top Shot at coupled entry Make No Mistake at Friendly Fire ang sa race seven na handicap race 1A at Naugh Naugh, Dubai’s Angel, Strategic Manila at Gobernador sa race eight na class divison four.
- Latest