^

PM Sports

Pagna-naturalize Filipino citizen sa 2 NBA players nasa Kongreso na

Pang-masa

MANILA, Philippines - Nasa Kongreso na ngayon ang bill na nag-lalayong ma-naturalize Filipino citizen ang dalawang National Basketball Association (NBA) players para makatulong na mapalakas ang Gilas Pilipinas na sasabak sa  2014 FIBA World Cup sa Spain sa August-September.

Nilikha kamakailan ni Antipolo Rep. Robbie Puno ang House Bills 3783 at 3784 para sa naturalization nina Denver Nuggets center Javale McGee at Brooklyn Nets center Andray Blatche. Pinapayagan ng FIBA ang mga kalahok na bansa na magsalang ng  isang naturalized player, ngunit sinabi ni Puno na kaila-ngang bigyan ng Congress ng Filipino citizenship ang dalawang players sakaling isa sa kanila ay magkaroon ng injury.

Sinabi ni Manuel V. Pangilinan, presidente ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) at chairman ng Gilas Pilipinas sponsor na Smart Communications, Inc. (Smart), na umaasa siyang  bibigyan ng Congress sina McGee and Blatche ng pagkakataong lumaro para sa bansa. Ang Gilas ay may deadline na hanggang June 30  para magsumite ng kanilang official roster of players sa FIBA.

“We all saw what Marcus Douthit did for the Philippine team in FIBA Asia last year. McGee and Blatche can further strengthen Gilas and boost our chances in Spain,” sabi ni Pangilinan.

Ang 7-foot na si McGee, 26-gulang ay second highest sa blocked shots (193) at blocks per game (2.4) sa NBA noong 2010-2011. Ang kanyang NBA debut ay noong 2008.

Ang 27-gulang na si  Blatche, 6’11”, ay 13th sa NBA sa player efficiency rating (21.9) at sa offensive rebounding percentage (12.2). Sina McGee at Blatche ay dating teammates sa Washington.

 

ANDRAY BLATCHE

ANG GILAS

ANTIPOLO REP

BROOKLYN NETS

DENVER NUGGETS

GILAS PILIPINAS

HOUSE BILLS

MANUEL V

MARCUS DOUTHIT

NASA KONGRESO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with