Bagong world light flyweight champion Loreto pinatulog si Joyi sa 3rd
MANILA, Philippines - Pinagbayad ni Rey LoÂreto ang naisablay na left hook ng pinaborang si Nkosinathi Joyi nang paÂtulugin niya ito sa ikatlong round patungo sa pagÂhablot sa bakanteng InÂternational Boxing OrÂgaÂnization (IBO) light flyÂweight title na pinaglabanan noong Sabado sa The Salle Des Etoiles sa MonÂte Carlo, Monaco.
May laman ang piÂnakawalang counter left ng 23-anyos ni Loreto na tumama sa panga ng daÂting IBF minimumweight champion upang bumuÂlagÂta ito sa ring.
Idineklara ni referee AnÂdile Matika na panalo ang Filipino boxer nang hinÂdi na nakabangon pa si Joyi may 49 segundo sa ikatlong round.
“Nagbunga ang paghihirap ko. Natupad ang paÂngarap ko,†naibulalas ni Loreto, tinaguriang “Hitman†na nadehado dahil may 13 losses ito sa kanyang baraha.
Rated din si Joyi sa tiÂnitingalang boxing orgaÂnizations na WBC (7), WBA (10), IBF (6) at WBO (4) kaya’t inakala ng marami na magiging maÂdaling laban ito para sa kanya.
Ngunit hindi naman bago kay Loreto ang manalo sa malalaÂking laban dahil bago si JoÂyi ay nanaig siya kay PornÂsaÂwan Porpramook ng ThaiÂland sa technical deÂcision noong Agosto sa Bangkok at ibulsa ang inÂterim PABA light flyweight title.
Naiangat ni Lorete ang karta sa 18 panalo, kasama ang 10 KOs, habang si Joyi ay lumasap ng ikatlong kabiguan matapos ang 28 laban.
Ang 31-anyos na si Joyi ay natalo rin sa ikalawang pagkakataon sa huÂling tatlong laban at ang third round KO ay tumabon sa 7th round KO kaÂbiÂguan sa kamay ni Mario Rodriqez ng Mexico sa IBF minimumweight title defense noong SetÂyembre 1, 2012.
Si Loreto ang ikatlong Filipino champion sa 108-pound diÂvision matapos sina John Riel CaÂsimero at Donnie NieÂtes sa International BoÂxing Federation (IBF) at World BoÂxing Organization (WBO).
- Latest