^

PM Sports

Labao hinirang na MVP sa Batang Pinoy Finals

Pang-masa

BACOLOD CITY, Philippines - -- Nilangoy ni Lorenzo Jen­kins Labao ng Baguio City ang kanyang pang-pitong gintong medalya para hirangin bilang atletang may pinakamara­ming hinakot na gold me­­dal sa Batang Pinoy Na­tional Finals 2013 ka­hapon dito sa Panaad Park and Stadium.

Binanggit ni Labao, isang third year high from student mula sa University of Baguio Preparatory School, ang matibay niyang determinasyon para ma­nalo.

Ang mga events na idi­nagdag ni Labao sa pag­tatapos ng swimming competitions ay ang boys’ 13-15 100-meter butterfly at ang 200m individual med­ley.

Nauna na siyang nag­hari sa boys’ 400m free­style, 50m butterfly, 400m IM, 200m medley at sa freestyle relays kasama sina Dan Christian Ley­ba, Renz Gawidan at Neil Nazarro.

Ngunit ang Quezon City pa rin ang bumande­ra sa swimming nang kumolekta ng 14 gold me­dals sa likod nina Raissa Gavino at Kirsten Chloe Daos na may tig-tatlo.

Pumangalawa ang Ba­guio City sa kanilang na­kamit na 10 gintong me­dalya kasunod ang Davao City, Manila, Lucena at Bohol na may tig-lima.

Sa triathlon, tinalo ni Sta. Rosa, Laguna bet Julius Constantino ang national pool reserve na  si Fre­derick Albert Chiongbian ng Cebu City nang ku­nin ang gold medal.

Nagtala ang 15-anyos at 5-foot-9 na si Constan­tino, nag-aaral sa Colegio de San Agustin, ng bilis na 27 minuto sa kanyang ginawang 400m swim, 8.4km bike at 2k run laban kay Chiongbian (27:34) na ikinukunsidera pa­ra sa Youth Olympic Games sa Nanjing, China.

Namayani naman ang 12-anyos na si Nicole Ei­jan­santos ng Quezon Ci­ty sa girls side sa tiyempong 29:50.

Inungusan niya sina Lauren Justine Plaza ng Biñan, Laguna (30:05) at Victoria Deldio ng Olongapo (30:39) para sa gintong medalya.

Kumolekta naman ang Iloilo City ng siyam sa kabuuang 12 gold medals sa arnis anyo competitions  kasama ang tatlo ni Crystal AJ Bartonico sa girls single weapon solo, double weapon solo at sword and dagger solo.

Sa Negros Occidental National High School grounds, tinalo ng World Series veteran Iloilo ang Gen. Santos City (14-2) at Bacolod (6-0) para sa ka­­nilang 4-0 record sa se­ven-team girls softball competition.

(Russell Cadayona)

ALBERT CHIONGBIAN

BAGUIO CITY

BATANG PINOY NA

CEBU CITY

CITY

DAN CHRISTIAN LEY

DAVAO CITY

LABAO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with