Kaisa-isang Pinoy na nag-qualify sa Winter Olympics lumarga na
MANILA, Philippines - Bumiyahe na ang nag-iisang lahok ng Pilipinas para sa 2014 Winter Olympics na si Michael Christian Martinez patunong Sochi, Russia.
Sasabak si Martinez, sinamahan ng kanyang inang si Maria Teresa at Russian coach na si Russian Victor Kudryatsev, sa figure skating event ng Winter Games.
Si Martinez ay sina-nay ni Kudryavtsev sa Moscow noong nakaraang buwan.
Binigyan ang 17-an-yos na si Martinez ng Filipino community sa Moscow ng isang send-off mass na pinangunahan ni Fr. Kirill Gorbunov, SDB.
Si Martinez ang kauna-unahang figure skater mula sa South East Asia.
Tumapos siya bilang pang-pito sa nakaraang Nebelhorn Trophy sa Germany noong nakaraang taon.
“I am very proud to be the first ever Filipino figure skater in the Winter Olympics,†ipinoste ni Martinez sa kanyang Facebook page.
Inaasahan ng Pinoy na magiging mabigat ang kompetisyon sa 2014 Winter Olympics.
“I feel excited and nervous because I will be competing against skaters who are much older than me and more experienced than me,†wika ni Martinez bago ang kanyang pag-alis. “But I will try my very best to qualify at least until the second round.â€
Ang Olympic figure skating event ay binubuo ng dalawang magkaibang rounds para sa Singles at pairs competitions: ang short program at ang free skate program.
- Latest