Zeal gustong bumawi sa 3YO and Above Maiden
MANILA, Philippines - Magkakaroon ng pagkakataon ang kabayong Zeal na makabawi matapos ang di magandang ipinakita sa huling takbo sa pagsali sa 3YO and Above Maiden division sa pagpapatuloy ng pista sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite ngayong gabi.
Si Jessie Guce ang didiskarte sa nasabing kabayo na hindi tumimbang noong Enero 23 sa isa ring 3YO Above race sa distansyang 1,400m. Si JL Paano ang pinagabay sa kabayo sa nasabing karera.
Mas mabigat ang laban sa karerang ito dahil full gate itong tatakbo sa 1,400m distansya din.
Kasali rin ang Bull Session, Director’s Diva, Mandolin, Good Nature, Beat Them All, Pa Dating, Maximum Velocity, Sky Bird, Sweetchildofmine, Miss Prospector, Pintados, Good Copy at Mud Slide Slim.
Napalaban din noong Enero 23 ang mga kaba-yong Beat Them All at Maximum Velocity at ang mga kabayong ito ay tumapos sa ikaapat at limang puwesto. Si RM Telles pa rin ang didiskarte sa Maximum Velo-city pero si RH Silva ang sasakay sa Beat Them All kahalili ni ALG Gamboa.
Inaaasahang magiging palaban din ang kabayong Bull Session na tumapos sa ikalawang puwesto noong Enero 13 kasunod ng Gorgeous Chelsea. Ang mananalo sa karerang ito ay tatanggap ng P10,000.00 premyo mula sa Philippine Racing Commission.
May walong races ang magpapasigla sa programa sa ikalawang sunod na araw ng pagtakbo sa bakuran ng Manila Jockey Club Inc. at pumalo sa 91 kabayo ang magtatagisan para matiyak na masisiyahan ang mga susuporta sa karerang ito. (AT)
- Latest