^

PM Sports

2014 Philracom 1st leg imported/local challenge race May class at matulin talaga ang Classy and Swift

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines - Tulad ng kanyang pangalan, nakitaan ng class at tulin ang kabayong Classy And Swift para silatin ang outstanding favorite na Tensile Strength para pagha-rian ang 2014 Philracom 1st Leg Imported/Local Challenge Race kahapon sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite.

Mahusay na ginabayan ni Mark Alvarez ang apat na taong filly na nagmula sa Australia dahil nanalo ito kahit nabugaw sa alisan sa hanay ng apat na kabayo na nagsukatan sa 1,600-metro distansya at ang karera ay inialay sa dating Games and Amusements Board (GAB) chairman Luis A. Tabuena.

Kinuha ng kabayong pag-aari ng Cool Summer Farm ang distansya sa bilis na 1:43.2 mula sa kuwartos na 25’, 24’, 25’ at 28 para sungkitin din ang P300,000.00 unang gantimpala mula sa P500,000.00 na itinaya ng nagtaguyod na Philippine Racing Commission.

Halos anim na dipa ang hinabol ng Classy And Swift sa Tensile Strength na may tatlong panalo na ipinarada, kasama ang tagumpay sa unang takbo sa taong ito na nangyari noong Enero 13 sa race track na pag-aari ng Philippine Racing Club Inc. (PRCI).

Naunang lumamang ang Caramel ni Pat Dilema at sumunod agad ang natatanging local horse na kasali na Tensile Strength. Pagsapit ng back stretch ay kinuha na ng anim na taong kabayo ang kalamangan.

Nanatiling nangunguna ang kaba-yong sakay ni Dominador Borbe Jr. at may lahing Kangoo at Real Storm ngunit tila hindi napansin ang mainit na pagdating ng Classy And Swift.

Sa rekta ay nasa pangalawa na ang rumeremateng kabayo at habang napa-natili ni Alvarez ang lakas ng takbo ng Classy And Swift, kapansin-pansin naman ang panghihina ng leg winner ng 2011 Triple Crown na Tensile Strength dahil naglakad na ito at natalo ng kalahating-dipa.

Umani ng P505,107.00  sales mula sa P714,366.00 sa Daily Double, pa-konsuwelo ng kabayong pag-aari ni Jun Sevilla ang P112,500.00 sa paglagay sa pangalawang puwesto.

Ang Caramel ang pumangatlo para sa P62,500.00 habang ang nangulelat ay ang Princess Haya ni apprentice rider JL Paano tungo sa P25,000.00 premyo.

Kumabig ang mga dehadista sa pa-nonorpresa ng Classy and Swift na may lahing Northern Meteor at Biro Lang, dahil may P87.00 ang ibinigay sa win habang ang forecast na 2-4 ay nagpamahagi ng P149.50 dibidendo.

Ang 2nd leg sa apat na yugtong karera para sa mga imported at local horses ay gagawin sa Pebrero.

 

vuukle comment

ANG CARAMEL

BIRO LANG

CLASSY AND SWIFT

COOL SUMMER FARM

DAILY DOUBLE

DOMINADOR BORBE JR.

GAMES AND AMUSEMENTS BOARD

JUN SEVILLA

LEG IMPORTED

TENSILE STRENGTH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with