^

PM Sports

Players, atleta nag-relax ng kaunti

Pang-masa

MANILA, Philippines - Ang mga atleta mula sa iba’t ibang lokal na sports organizations ay nag-relax muna sa Las Farolas Museo kung saan makikita ang iba’t ibang river monsters at sa 21st Fiesta Fair Manila nung nakaraang dalawang linggo.

Ang mga players ng Philippine Basketball Association (PBA), Amateur Boxing Association of the Philippines (ABAP) at University Athletic Association of the Philippines (UAAP), mga mga atleta, kasama ang kanilang pamilya, ay nagtungo sa dalawang lugar sa magkakahiwalay na okasyon.

Para ma-relax pagkatapos ng isang buong araw na pag-eensayo at laban, ilang players at atleta ang nagtungo sa Las Farolas sa Frontera Drive katabi ng Tiendesitas sa Ortigas Ave., Pasig City kung saan mayroong 50% discount sa entrance fee hanggang Pebrero 20 at nakita nila ang mahigit 3,000 river monsters na galing sa iba’t ibang parte ng daigdig. Ayon kay Henry G. Babiera, isang masugid na environmentalist at pet lover at pinuno ng Moment Philippines na nagpapatakbo ng Las Farolas, isang kakaibang karanasan para sa mga atleta.

Ang ibang atleta ay nagpunta naman sa  21st Fiesta Fair Manila o mas kilala sa taguring Greenhills Shopping Center Tiangge para makapamili sa murang halaga.  Ang Tiangge, na hanggang Pebrero 3, ay may 1,400 tindahan.

 

AMATEUR BOXING ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES

ANG TIANGGE

FIESTA FAIR MANILA

GREENHILLS SHOPPING CENTER TIANGGE

HENRY G

LAS FAROLAS

LAS FAROLAS MUSEO

MOMENT PHILIPPINES

ORTIGAS AVE

PASIG CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with