Aquatics posibleng malaglag sa priority sports ng PSC
MANILA, Philippines - Dahil sa nabigong kampanya sa Myanmar SEA Games pinag-iisipan ng Philippine Sports Commission (PSC) na alisin na ang aquatics sa hanay ng 10 priority sports na naunang pina-ngalanan ng komisyon.
Sa panayam kay PSC chairman Ricardo Garcia, sinabi niya na walang nangyari sa tulong na ibi-nigay ng ahensya dahil walang nakitang bagong mukha ang aquatics dahilan upang bigo pa rin na mabawi ang dating mataas na estado sa swimming sa SEA Games.
“Wala silang programa, Walang bagong swimmer na na-develop, water polo is dying, diving is dying,†wika ni Garcia.
Hindi nakapaglahok ang aquatics na pinamumunuan ni Mark Joseph sa diving at water polo dahil sa mahina ang mga manlalaro at di pumasa sa criteria habang ang mga tankers ay nag-uwi lamang ng apat na bronze medals at dalawa rito ay galing sa Olympian na si Jasmin Alkhaldi.
“I don’t think na nagkulang kami ng suporta sa kanila. Wala silang performance and we are really considering the removal of aquatics from the list,†dagdag pa ng PSC chairman at Asian Games Chief of Mission.
Taong 2012 binuo ang priority list na kung saan ang mga sports na pinangalanan ang siyang pinaniniwalaan na maghahatid ng karangalan sa Pilipinas sa SEA Games, Asian Games at Olympics.
Bukod sa aquatics ay nasa talaan ang athle-tics, boxing, taekwondo, wushu, archery, wrestling, bowling, weightlifting at billiards.
Ang aquatics ay binigyan ng P12 milyon pondo pero nabigo sila sa hanga-ring makaginto sa SEAG.
Ang athletics, boxing, taekwondo, wushu, archery at billiards ay nanalo pero minalas ang wrestling at weightlifting. Ang bowling ay hindi kasama sa larong ginawa sa Myanmar. (AT)
- Latest