Walong karera inihanda para sa dalawang araw na aksyon sa San Lazaro
MANILA, Philippines - Walong karera ang magÂpapasigla sa pagbuÂbuÂkas ng dalawang araw na tagisan ng mahuhusay na pangarerang kabayo sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite ngaÂyong gabi.
Ang paglalaban sa race eight ang isa sa mga tututukan dahil isa itong special class division race sa 1,500-metro distansya.
Siyam na kabayo ang magsusukatan dito kasama ang Triple Crown leg winner Hari Ng Yambo na gagabayan ni JPA Guce.
Inaasahang mapapalaban ang tambalang ito daÂÂhil bukod sa pinatawan ang kabayo ng 58-kilos handicap weight ay maÂbibigat din ang walong iba pang katunggali.
Kasali sa karera ang subok nang Coal Harbour ni JB Guce bukod pa sa Life Is Beautiful ni CV Garganta. Ang dalawang kabayo ay binigyan din ng mabibigat na handicap weights na 57 at 58 kilos.
Ang iba pang kasali ay ang Viktoria (P Dilema), MarÂket Value (JL Paano), Porcher (AG Avila), HeadÂline Chaser (RK HiÂpolito), Shoemaker (RC TaÂbor) at Airbender (EG ReÂyes).
Sisimulan ang karera ng isang class division 1B race at may 11 kabayo ang maglalaban kasama ang isang coupled entries.
Ang Poetic Justice at coupled entry Ms. Bling Bling ay inaasahang palaban din lalo pa’t nanalo sa huling takbo ang Ms. Bling Bling na dala ni Fernando Raquel, Jr.
Isa rin sa inaasahang pagÂlalabanan ng mainitan ay ang 3YO and above Maiden D race sa 1,400m distansya.
Sa race four ang mga kasali ay ang Director’s MaÂgic at coupled entry DiÂrector’s Play, Maximum Velocity, Masskara at coupled entry DinagÂyang, Smart Winner, BullÂbar, Magical Bell, MaiÂngat, Red Pocket, PaÂpa Loves Mambo, Beat Them All, Handog at Zeal.
Siyam na karera naman ang paglalabanan buÂkas at tulad ng karera ngaÂyon ay balansiyadong binigyan ng handicap weights para matiyak na laÂhat ay may tsansang maÂnalo.
- Latest