Blackwater kailangan ng panalo para makapasok sa quarterfinal round
MANILA, Philippines - Nahaharap sa ‘must-win situation’ ngaÂyon ang Blackwater Sports paÂra manatiling buhay ang kampanya sa kasalukuÂyang PBA D-League Aspirants’ Cup sa JCSGO Gym sa Cubao, Quezon CiÂty.
May dalawang sunod na talo, katunggali ng Elite ang Café France sa unang laro sa ganap na alas-12 ng tanghali at kaÂilangang manumbalik ang dating tikas ng bataan ni head coach Leo Isaac paÂra hindi mamaalam kaÂagad sa liga.
Ang Bakers at Elite na lamang ang nagtatagisan para sa ikaanim at huling puwesto na aabante sa quarterfinals.
Sa ngayon ay ang BaÂkers ang may tangan sa mahalagang puwesto sa 7-4 baraha at kung tataluÂnin nila ang Elite ay sila na ang makakasama sa quarterfinal round ng Big Chill, NLEX, Jumbo PlasÂtic, Hog’s Breath at Cagayan Valley na magÂpaÂpatuloy ang laban para sa titulo ng liga.
Ngunit kung ang Elite ang makalusot, makakatabla nila ang Bakers sa 7-5 baraha at may bentahe na dahil ‘winner-over-the-other’ ang gagamitin sakaling magtabla ang daÂlawa matapos ang 13 laro sa elims.
Durog ang Elite sa kamay ng NLEX at Hog’s Breath Café sa huling dalawang laro pero tiwala si Isaac na kaya pang buÂmawi ang koponang sinilat ang Road Warriors para sa Foundation Cup title.
“Tiwala ako sa mga plaÂyers ko. Alam nila ang sitwasyon at ang maganda lamang ay hawak pa namin ang aming destiÂny,†wika ni Isaac.
Ang Cebuana Lhuillier at ang NU-Banco De Oro ay magpapang-abot naman sa ikalawang laro sa alas-2 ng hapon.
Ang laban ng dalaÂwang koponan ay pawang ‘no-bearing.
Sa alas-4 ay maglalaban ang NLEX at ang Derulo Accelero.
Paborito ang Road Warriors na masungkit ang ika-pitong sunod na panalo laban sa Oilers na may isang panalo lamang matapos ang 11 laro sa torneo.
Kung mapapangataÂwanan ng NLEX ang paÂgiging paboritong kopoÂnan ay matatablahan na nila ang pahingang Big Chill na may 10-1 karta.
(ATan)
- Latest