Philracom mag-iimbestiga ukol sa pagkansela ng karera noong Biyernes
MANILA, Philippines - Isang imbestigasyon ang gagawin ng Philippine RaÂcing Commission (Philracom) upang alamin ang tuÂnay na kadahilanan sa biglaang pagkansela sa karera noong Biyernes sa MetroTurf sa Malvar, Batangas.
Lumabas na nagkaproblema ang video coverage ng ikatlong racing club sa bansa dahilan upang magÂdeÂsisyon ang pamunuan na huwag ng ituloy ang siyam na karera na nakahanay sanang maganap.
“The Commission has invited MMTCI management and technical head to explain the nature of techÂniÂcal defect,†pahayag ni Philracom Commissioner at ExeÂcutive Director Jess Cantos.
Milyong piso ang nawala sa kita sa horse racing daÂÂhil sa di inaasahang kanselasyon ng karera.
Bumanat sa social media ang mga kareristang naaÂpekÂtuhan at inilabas nila ang panghihinayang sa panahon na iginugol sa mga off-track-betting stations dahil hinÂdi agad sinabi na cancel ang karera.
Ang karamihan ay nagreklamo daÂhil hirap sa pag-refund sa taya na nauna nang ipiÂnaÂsok sa mga tellers.
Samantala, gagawi ngayong hapon ang labanan sa hanay ng mga three-year old colts sa pagtatapos ng pista sa race track na pag-aari ng Manila Jockey Club Inc.
Limang kabayo ang maglalaban-laban sa distansyang 1,500-metro ng nasabing karera at ang mga ito at ang kanilang mga hinete ay ang Fairy Star (Pat DiÂlema), Surplus King (JB Guce), Castle Cat (CV GarÂganta), King Bull (JB HerÂnandez) at Low Profile (MA Alvarez).
- Latest