Lakers diniskaril ang pagbabalik sa aksyon ni Rondo sa Celtics
BOSTON -- Hindi ito ang Boston Celtics na iniwan ni Rajon Rondo ng halos isang taon.
Hindi nasasalo ang kanyang magagandang pasa, waÂla rin ang depensang nagpanalo sa prangkisa noÂong 2008.
Nangailangan ng puntos sa huling mga segundo ng laro, wala nang naging ibang opsyon si Rondo kunÂdi ang kanyang sarili.
Nagbalik si Rondo mula sa isang knee injury at naiÂmintis ang kanyang 3-pointer na nagdala sana sa CelÂtics sa overtime na nagresulta sa kanilang 104-107 pagÂyukod sa Los Angeles Lakers.
“I thought he made a lot of plays down the stretch,†saÂbi ni Celtics coach Brad Stevens sa kanyang All-Star point guard. “Just came up a little bit short. But I was glad he had the ball.â€
Humakot si Pau Gasol ng 24 points at 13 rebounds para sa Los Angeles at nagdagdag si Kendall Marshall ng 19 points at 14 assists, kasama dito ang isang 3-pointer sa huling 69 segundo na nagbigay sa Lakers ng kanilang unang kalamangan sa second half.
Umiskor naman si Ryan Kelly ng 20 points at nagÂlista si Wesley Johnson ng 11 points at 11 rebounds.
Tinapos ng Lakers ang kanilang six-game losing slump.
Umiskor si Kelly Olynyk ng career-high na 25 points para sa Boston, habang may 8 markers, 4 assists at 2 rebounds si Rondo na naglaro sa loob ng 20 miÂnuto.
Naimintis ng Celtics ang kanilang huling pitong tiÂra na nagbigay sa Lakers ng 11 points, kasama ang tatÂlong sunod na 3-pointers.
- Latest