Mayweather magreretiro na?
MANILA, Philippines - Ito na nga ba ang maÂgiging huling taon ni Floyd Mayweather Jr. sa loÂob ng boxing ring?
Sa isang gala dinner sa South Africa ay binangÂgit ng 36-anyos na si MayÂweÂaÂther na naalala niya ang kanyang unang laban nang siya ay bata pa noÂong 1987, at sinabing “September 2015 will be my last.â€
Nauna nang sinabi ni Mayweather (45-0-0, 26 KOs) matapos talunin si CaÂnelo Alvarez noong SetÂyembre ng 2013 na mayÂroon pa siyang gagawing apat na laban sa susunod na dalawang taon.
Ang susunod na laban ng American five-division titlist na si Mayweather ay sa Mayo.
Ang dalawa sa mga ikiÂnukunsidera ay sina BriÂtish fighter Amir Khan at Argentine Marcos MaiÂdana.
Sinabi ni Mayweather na wala sa kanyang listaÂhan si Filipino world eight-division champion ManÂny Pacquiao (55-5-6, 38 KOs).
Ayon kay MayweaÂther, gusto lamang ni Pacquiao na maresolbahan ang kanyang problema sa buwis sa Bureau of InÂternal Revenue (BIR) sa Pilipinas at sa Internal ReÂvenue Service (IRS).
Inihayag ng BIR na nagÂbayad na si Pacquiao ng P32 milyon mula sa atÂraso niyang P2.2 bilyon.
Tatlong beses bumagsak ang negosasyon para sa Pacquiao-Mayweather suÂper fight dahil na rin sa ilang isyu.
Matapos matalo kina TiÂmothy Bradley, Jr. (31-0-0, 12 KOs) at Juan MaÂnuel Marquez (55-7-1, 40 KOs) noong Hunyo 9 at Disyembre 8, 2012, ayon sa pagkakasunod, ay bumalik si Pacquiao sa eksena at dinomina si BranÂdon ‘Bam Bam’ Rios sa loob ng 12 rounds sa kaÂnilang non-title, welÂterÂweight fight noong NobÂyembre 24, 2013 sa MaÂcau, ChiÂna.
Hanggang ngayon ay wala pang inihahayag na susunod na lalabanan ni Pacquiao.
- Latest