Magandang oportunidad para sa Pinas ang OCA Exec. Board, GA meeting
MANILA, Philippines - Maipapakita uli ang ipinagmamalaking magandang pag-estima at ang estado ng negosyo sa kasalukuyan ng bansa sa mga dayuhang bisita na darating para sa gaganaping Olympic Council of Asia (OCA) Executive Board at General Assembly Meeting na mangyayari sa Enero 17 at 18 sa Hotel Sofitel at Phi-lippine International Convention Center.
Walang masyadong issue ang pag-uusapan sa dalawang araw na pagpupulong na papabor sa Pilipinas pero makabuluhan ang hosting dahil maipaparating ng bansa na patuloy na umuusad ang Pilipinas matapos hagupitin ng mga kalamidad noong nakaraang taon.
“We will be able to showcase our Filipino hospitality. I also already called on the business groups here to be in attendance for this affair. I think we have missed out giving the real condition of the Philippines that is why I have involved the business groups,†wika ni POC president Jose Cojuangco Jr, nang dumalo sa PSA Forum sa Shakey’s Malate kahapon.
Nakasama rin ni Cojuangco si POC 1st vice president Joey Romasanta bukod pa kay Vinod Kumar Tiwari na OCA director for International and National Olympic Committee relations.
Inihayag ni Tiwari na ang presentasyon ng Incheon Korea para sa Asian Games sa Setyembre bukod pa sa ipakikitang ulat ng Rio de Janeiro, Brazil na host ng 2016 Olympics ang sentro ng magaganap na pagpupulong.
Pero isa rin sa tampok na kaganapan sa pagtitipon ay ang paggunita ng 100 anibersaryo sa pagkakatatag ng Asian Games na nagsimula sa Pilipinas.
Taong 1913 nabigyang-buhay ang Asian Games na kilala pa bilang Far Eastern Games sa Pilipinas. Tumayo pang host ang bansa noong 1934 at ang hu-ling pagkakataon na naging punong-abala ang Pilipinas ay noong 1954 nang pinangalanan na ang torneo bilang Asian Games.
Ang selebrasyon at pagpupulong ay dapat ginawa noon pang Nobyembre sa Boracay pero ipinagpaliban ito dahil sa paghagupit ng super typhoon Yolanda.
Lahat ng 45 bansa na kasapi ng OCA ay magpapadala ng kinatawan bukod pa sa mga opisyales ng International Olympic Committee at mga bisita mula sa European at African Olympic Committees para magkaroon ng mahigit 400 delegates. (AT)
- Latest