PSC balak ilipat ang ilang atleta
MANILA, Philippines - Handang tapikin ng Philippine Sports Commission (PSC) ang mga pasilidad sa ibang lugar para magamit sa pagsasanay ng Pambansang atleta sa taong ito.
Kailangang ilabas ang ibang National athletes dahil masyado ng polluted at masikip ang Rizal Memorial Sports Complex.
Dumulog na si PSC chairman Ricardo Garcia sa Kongreso para tulungan sa isinususog na pagpapagawa ng maka-bagong sports complex na magsisilbi lamang bilang training centers ng Pambansang atleta pero wala pang malinaw na aksyon ang mga mambabatas hinggil sa proposal.
“Masyado nang congested ang Rizal Memorial Complex at kailangan talagang ilipat na ang iba para mas maging maganda ang kondisyon ng kanilang pagsasanayan,†wika ni Garcia.
Ang Teachers Camp sa Baguio City at Philsports sa Pasig City ang iba pang ginagamit na training sites ng mga manlalaro pero ang pagkakaroon ng ibang magagandang pasilidad sa probinsiya ay maaari ring tapikin ng PSC.
“May mga magagandang complex na nagamit tayo tulad sa Davao at Tagum. Puwede natin silang ipadala roon basta may tamang coaches na kasama,â€dagdag ni Garcia.
Mahirap aktuhan ang kahilingan na training center ng mga mambabatas dahil siguradong gagastusan ang pagpapatayo nito ng P3 bilyon.
Noon pa binabalak ng mga sports officials na alisin na sa Rizal Memorial Complex ang mga manlalaro at pinagplanuhan pa na ibenta ito at ang perang makukuha ang siyang ipantutustos sa pagpapagawa ng bagong pasilidad.
Pero hindi gumulong ang plano dahil ang Complex ay pag-aari ng Siyudad ng Maynila.
- Latest