^

PM Sports

NLEX magpapalakas sa second spot

ATan - Pang-masa

MANILA, Philippines - Patitibayin pa ng NLEX Road Warriors ang kanilang laban para sa awtomatikong puwesto sa semifinals sa PBA D-League Aspirant’s Cup sa pagsukat sa mainit ding Café France ngayon sa JCSGO Gym sa Cubao, Quezon City.

May 6-1 baraha ang Road Warriors, kasama ang tatlong sunod na pa­­nalo at kung madugtu­ngan pa ito ay lalakas ang kapit sa ikalawang pu­westo kasunod ng pahi­ngang Big Chill na may 10-1 baraha.

Ang laro ay matutung­hayan sa ganap na alas-2 ng hapon matapos ang su­katan ng mga talsik ng Wang’s Basketball at NU-Banco de Oro.

Huling laro sa alas-4 ay sa hanay ng Cebuana Lhuillier at Arellano University.

Ang Gems ay nanga­ngailangan na walisin ang apat na laro para magka­roon pa ng buhay ang pag­hahabol sa puwesto sa quarterfinals.

Ito na ang ikalawang su­nod na laro ng Road Warriors sapul nang pumasok ang 2014 at haha­rapin nila ang Bakers bit­bit ang 96-80 at 89-70 pananaig sa Wang’s Basketball at Jumbo Plastic.

Hindi nagkukumpiyansa si NLEX head coach Bo­yet Fernandez da­hil ang Bakers ay nanalo rin sa kanilang huling apat na laro.

“Café France is pla­ying well especially since they have a chance to make the playoffs. They are a dangerous team,” ani Fernandez.

Isa sa sandata ng Café France ay ang kanilang ma­tinding depensa.

Ibabandera ng Road Warriors si Garvo Lanete na naghatid ng 51 puntos sa huling dalawang laro.

ANG GEMS

ARELLANO UNIVERSITY

BIG CHILL

CEBUANA LHUILLIER

D-LEAGUE ASPIRANT

FERNANDEZ

ROAD WARRIORS

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with