Pagpapalit ng coach walang epekto sa Azkals
MANILA, Philippines - Hindi naniniwala si Azkals team manager Dan Palami na makakaÂsama ang gagawing pagÂpapalit ng head coach ng koponan sa paglahok ng bansa sa 2014 AFC Challenge Cup sa Mayo sa MalÂdives.
Tinuran ni Palami na hinÂdi ito ang unang pagÂkaÂkataon na gagawin ng koponan ang bagay na ito at tinuran ang kaso ni Simon McMenemy na hindi na itinuloy ang kontrata noong 2012 kahit nagawa niyang ipagkaloob sa Azkals ang makasaysayang semifinals spot sa Suzuki Cup.
Ang pumalit kay McÂMenemy na si Hans MiÂchael Weiss ay mapapaÂlitan na rin dahil wala ng balak ang Philippine FootÂball Federation (PFF) na tapusin hanggang Marso ang kanyang konÂtrata.
“This is not the first time that I’ve made a coaÂching change. I did that right after the February playoff against Mongolia when I hired Michael to replace Simon who’s contract I didn’t extent,†wika ni Palami.
Hindi naman nagkomento si Palami sa pagsibak kay Weiss ngunit naÂpaÂlathala sa isang website na mismong ang German coach ang nagkumpirma na wala na siya sa Azkals.
Sa Enero 15 inaaÂsaÂhang maglalabas ng opisÂyal na pahayag ang paÂÂmunuan ng PFF pero si Palami ay kumilos na dahil may anim na pangalan na siyang pinagpipiÂlian para ipalit kay Weiss at poÂsibleng pangalanan ito sa Pebrero.
“I have six candidates already and hopefully I get to interview them. One is based in UK, one is based in Hong Kong coaching their winningest club, one is based in US and Germany and somebody from Montenegro. Some of them have experiences already with Barcelona, with Manchester, Liverpool, these are the caliber of coaches that we are looking at right now,†pahayag pa ng Azkals team manager.
Tinuran pa ni Azkals na masaya siya at ang PFF sa mga tagumpay na naibigay ni Weiss sa pambansang koponan, ngunit dumating ang pagkakataÂon na dapat na gumawa ng desisyon ang management kung makukuntento pa sila sa talento ng German coach.
- Latest