Bledsoe matagal na matetengga
PHOENIX -- Ooperahan ang kanang tuhod ni Phoenix Suns point guard Eric Bledsoe at hindi alam kung kailan makakabalik, ayon sa taong may alam sa sitwasyon na ayaw ihayag ang pangalan dahil wala pang pormal na pahayag ang Suns
Si Bledsoe ay isa sa malaking dahilan kung bakit maganda ang takbo ng kampanya ng Phoenix nga-yong season.
Galing sa pakikipag-trade sa Los Angeles Clippers, nakipagtulungan si Bledsoe kay Goran Dragic para sa malakas na backcourt na nagpatatag sa Suns para sa kanilang 21-13 record.
Hindi nakalaro si Bledsoe, nag-a-average ng 18 points at 5.8 assists, sa huling apat na games dahil sa nauna nang sinasabing sprained knee. Ang Suns ay 16-8 kasama si Bledsoe at 5-5 kapag wala siya.
Ang planong operasyon ay para sa pasasaayos ng meniscus injury, ayon sa unang ulat ng ESPN.
Bagama’t ang opensa ni Bledsoe ang naging susi sa tagumpay ng Suns, malaking kawalan din siya sa depensa.
- Latest