Pinas bigong makuha ang hosting ng AFC Challenge Cup
MANILA, Philippines - Ang Maldives ang siyang nakakuha ng hosting rights para sa final round ng Asian Football Confederation (AFC) Challenge Cup na nakatakda sa Mayo, isang torneo na ninais sanang mapamahalaan ng Pilipinas.
Inihayag ng AFC sa kanilang official website na ang draw para sa Challenge Cup ay itinakda sa Peb-rero 12 sa Island Paradise Resort sa Maldives.
Sa nasabi ring article, iniulat na ang torneo, ang qualifying para sa 2015 AFC Asian Cup, ay idaraos sa Mayo 19-30 sa Maldives.
Ang pahayag ang tuluyan nang kumitil sa pag-asa ng bansa na mapangasiwaan ang naturang eight-nation meet.
Ang pagkaantala sa renobasyon sa National stadium sa Male at sa Seenu Atoll Hithadhoo zone stadium sa Addu City ang nauna nang nagpakaba sa Maldives.
Kaya ikinunsidera ng AFC executive committee ang pagdaraos nito sa Pilipinas.
“I think Maldives was able to remedy their problem,†sabi ni Philippine Football Federation president Nonong Araneta.
- Latest