^

PM Sports

3-sunod na panalo sa Boracay Rum

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines - Naipagpatuloy ng Boracay Rum ang magandang laro na nakita bago nagsara ang taong 2013 habang produktibong kampanya ang ibinungad sa bagong taon ng National University-Banco de Oro nang manalo ang dalawang koponang nabanggit sa pagbabalik-aksyon ng PBA D-League Aspirants’ Cup kahapon sa Arellano Gym sa Legarda, Manila.

Isang 16-3 bomba ang pinakawalan ng Waves matapos kunin ng Hog’s Breath Café ang 12-10 kalamangan upang iwanan na ang katunggali tungo sa 91-67 panalo.

Ito ang ikatlong dikit na panalo ng tropa ni coach Lawrence Chongson para manatiling buhay ang paghahabol ng puwesto sa quarterfinals sa bitbit na 5-5 karta.

“We needed this win because we’re still ho-ping for the best. We can still be better,” wika ni Chongson.

Si Chris Banchero ay mayroong 16 puntos at anim na assists habang sina Jeff Viernes, Mark Belo, Roider Cabrera at Stephen Siruma ay nagtulong-tulong sa 38 puntos.

May 11 puntos si Paul Sanga para sa Razorbacks na ininda ng mahinang shooting na 36.7 percent (22-of-80) para bumagsak sa ikatlong sunod na pagkatalo matapos ang pitong dikit na panalo.

Naglaro pa rin si Bobby Ray Parks Jr. pero malaking tulong ang maagang pag-iinit ni Troy Rosario para wakasan ng Bulldogs ang anim na sunod na pagkatalo sa pamamagitan ng 97-68 dominasyon sa Arellano University-Air21.

May 10 sa kanyang 18 puntos si Rosario sa unang yugto na kontrolado ng Bulldogs, 23-12.

Hindi na nagpabaya pa ang koponang hinawakan ni assistant coach Joey Guanio at sa ikatlong yugto ay iniwan ang kalaban ng 31 puntos, 76-45 dahil sa 11 marka ni Parks.

Nanguna uli si Parks sa 20 puntos bukod sa walong rebounds, anim na assists at dalawang blocks habang si Rosario ay may 6-of-7 shooting.

“I thought our shooting clicked, our balance scoring also was the key,” wika ni Guanio na hina-linhinan ang head coach na si Eric Altamirano na nasa US at naghahanap ng mga Fil-Am players.

Ang Chiefs ay natalo sa ika-siyam sa sampung laro at kasalo sa huling puwesto and Derulo Accelero.

 

ANG CHIEFS

ARELLANO GYM

ARELLANO UNIVERSITY

BOBBY RAY PARKS JR.

BORACAY RUM

BREATH CAF

D-LEAGUE ASPIRANTS

DERULO ACCELERO

ERIC ALTAMIRANO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with