May mga pagbabagong gagawin sa UAAP
MANILA, Philippines - Kailangan munang pag-isipan ng UAAP ang kanilang schedule of events at linawin ang eligibility issues na maaaring lumitaw ukol sa pagpaplano ng mga member universities na rebisahin ang kanilang academic calendars para sa pagbubukas nito sa Agosto o sa Setyembre.
Ang basketball event na palagiang idinadaos tuwing Hulyo ay maaa-ring gawin sa dulong bahagi ng taon.
Ayon kay UAAP Season 76 secretary-treasurer Malou Isip ng Adamson, wala pang pormal na ginagawang pag-uusap ang UAAP Board para sa darating na season.
“Wala pa namang napag-uusapan sa board, although UST and Ateneo shared their thoughts about that. (If anything, it’s) not this (coming) school year pa; it will be in school year 2015-16 and it will be based on the meeting of university presidents,†wika ni Isip.
Nag-iisip ang mga unibersidad sa bansa na isabay ang academic ca-lendar sa kanilang mga counterparts sa Southeast Asia bilang paghahanda sa Asean economic integration sa 2015. Sa ilalim ng naturang setup, isusunod ang academic year sa Set-yembre hanggang Hunyo mula sa dating iskedyul na Hunyo hanggang Marso.
Sinabi ni UAAP board member Gilda Kamus ng UST na ang kanilang pagbubukas ay unti-unting itutuon sa Setyembre.
“We informed already the board about it. But it’s not really September right away. The University plans to open in July this year then August the following year and eventually September in the next. It won’t be an abrupt change, but a gradual one,†ani Kamus.
“We informed already the board about it. But it’s not really September right away. The University plans to open in July this year then August the following year and eventually September in the next. It won’t be an abrupt change, but a gradual one,†ani Kamus.
Sa pagkakaroon ng bagong school calendar, sinabi ni Kamus na makakaapekto ito sa enrollment ng mga student-athletes kaya kailangang baguhin ng UAAP ang eligibility rules.
“In terms of UAAP, we will make some adjustments especially on eligibility,†ani Kamus. “The way we see it now, we’ll probably make arrangements with our respective registrars as to enrollment of the student-athletes.â€
- Latest