Namayagpag ang Pinas sa larangan ng billiards
MANILA, Philippines - Bumawi ang mga pinagkakapitagang cue artists ng bansa sa huling apat na buwan para magkÂÂaroon pa rin ng kinang ang sport ng bilyar sa 2013.
Ang tambalang Dennis Orcollo at Lee Van Corteza ang bumuhay sa naunang masamang panimula sa taon ng mga bilyarista ng bansa nang magbunga na ang kaÂnilang ikalawang pagsasanib-puwersa sa World Cup of Pool.
Sa York Hall sa London, England ginawa ang World Cup of Pool at matapos ang anim na araw na paglalaro na sinimulan noong Setyembre 17, sina Orcollo at Corteza ang nagbida nang talunin sa race-to-10 finals sina Neils Feijen at Nick Van den Berg ng Netherlands sa 10-8 iskor.
Seeded sixth lamang ang mga Pinoy dahil hindi nakaalpas sina Orcollo at Corteza sa first round noong 2012 na ginawa sa Pilipinas.
Ngunit ang pagiging mga beterano sa malalaking komÂpetisyon sa bilyar ay lumabas sa pagkakataong ito upang kalusin muna sina Karlo Dalmatin at Ivica Putnik ng Croatia, 7-4; Aloysius Yapp at Chan Keng Kwang ng Singapore, 7-3; Mikos Balazs at Gabor Solymosi ng Hungary, 9-1; at Chang Jung-lin at Ko Pin Yi ng Chinese Taipei, 9-7 para umusad sa finals.
Muntik pang nalagay sa alanganin ang asam na panaÂlo nang hawakan nina Feijen at Van den Berg sa 8-7 kalaÂmangan.
Pero nakakuha ng break ang dalawa sa error sa 16th rack ng mga katunggali at hindi na nila binitiwan ang pagÂtumbok hanggang sa nakuha ang ika-10 panalo.
Ito na ang ikatlong World Cup of Pool title ng PilipiÂnas matapos ang dominasyon nina Efren ‘Bata’ Reyes at Francisco ‘Django’ Bustamante noong 2006 at 2009 edisÂyon.
Nasundan pa ito ng pamamayagpag ni Rubilen Amit sa World Women’s 10-ball Championships mula OktubÂre 31 hanggang Nobyembre 4 sa Resorts World.
Hiniya ng 33-anyos na si Amit ang batikang si Kelly Fisher ng Great Britain, 10-7, para kunin ang ikalawang world 10-ball title.
Tibay ng loob ang naipakita ni Amit dahil namayagpag siya sa huling tatlong racks matapos magtabla sa 7-all upang maulit ang pangyayari noong 2009 nang kilalanin siya bilang kampeon ng torneo.
Nadugtungan pa ang mga panalong ito nina Orcollo at Amit nang sumabak sila sa 27th Southeast Asian Games sa Myanmar.
Pinawi ni Orcollo ang kawalan ng medalya sa 9-ball nang talunin ang kababayan na si Carlo Biado, 9-7, sa gold medal match sa 10-ball habang binawian ni Amit si Indonesian Angeline Magdalena sa finals sa women’s 10-ball sa kumbinsidong 7-2 panalo.
Pinangunahan din ni Amit ang Team Asia laban sa Team West sa unang pagtatanghal ng Queens Cup.
Bago ang pagsikad nina Orcollo, Corteza at Amit, ang pinakamagandang puwesto na nakuha ng Pilipinas sa prestihiyosong torneo sa bilyar ay ang pangalawang puÂwestong pagtatapos ni 2006 Doha Asian Games gold medalist Antonio Gabica kay Thorsten Hohmann ng Germany sa WPA 9-ball Championship na ginawa sa Doha, Qatar mula Setyembre 2 hanggang 13.
Wala namang isinagawa na kompetisyon sa World 8-ball at 10-ball sa kala-lakihan dahil sa kawalan ng sponsors.
- Latest