^

PM Sports

Sacramento tinalo ang Miami sa OT

Pang-masa

SACRAMENTO, Calif. -- Plano ng Miami Heat na ipahinga ang kanilang mga regulars at sumandal na lamang kay LeBron James para makakuha ng road victory bago harapin ang isa sa pinakamahusay na koponan sa Western Con­ference.

Ngunit ibinasura ng Sac­ramento Kings ang na­tu­rang estratehiya ng Heat ka­sama ang pagkakaroon ng injury ni James.

Humakot si DeMarcus Cousins ng 27 points at 17 rebounds, habang umiskor si Rudy Gay ng 26 para igiya ang Kings sa pagba­ngon mula sa 17-point de­ficit at igupo ang Heat sa over­time, 108-103.

“I thought our guys accepted the challenge,” sabi ni Sacramento coach Michael Malone.

Sinabi naman ni James na nagkaroon siya ng strained right groin bago tu­mapos na may 33 points, 8 rebounds at 8 assists para sa Miami.

Nagwakas ang itina­yong six-game winning streak ng Heat bago bumi­sita sa Portland para laba­nan ang Trail Blazers sa Sa­bado.

“It ain’t feeling too good right now,” wika ni James.

Naglaro ang two-time de­fending NBA champions na Miami na wala sina Dwyane Wade (ipinapahinga ang kanyang mga tuhod), Ray Allen (right knee tendi­nitis) at Chris Andersen (sore back).

Naglaro si James sa perimeter sa second half nang maramdaman ang injury.

Ito ang sinamantala ng Kings.

Naglista si Isaiah Tho­mas ng 22 points, 11 assists at 7 rebounds para sa panalo ng Sacramento (9-19) matapos silang matalo sa Miami (22-7) kamakailan.

Isinalpak ni Gay ang jum­per sa regulation para dal­hin ang Kings sa extra pe­riod.

Sa Oakland, California, nagposte si Stephen Curry ng mga career highs na 16 assists at 13 rebounds bu­kod pa sa kanyang 14 points para ihatid ang Gol­den State Warriors sa 115-86 paggupo sa Phoenix Suns.

Ito ang kanilang ikaapat na sunod na panalo na dumuplika sa pinakamahaba ni­lang winning streak sa sea­son.

Nagtala si Klay Thompson ng 21 points pa­ra sa Warriors, habang may 17 si David Lee at nagdag­dag ng tig-11 sina Harrison Barnes at Draymond Green.

Kumolekta naman si P.J. Tuc­ker ng 11 points at 12 rebounds para sa panig ng Suns.

 

CHRIS ANDERSEN

DAVID LEE

DRAYMOND GREEN

DWYANE WADE

HARRISON BARNES

ISAIAH THO

PARA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with