Rain or Shine kontra sa San Mig Coffee ngayon: Ginebra lusot sa Meralco
MANILA, Philippines - Parehong play at magÂkaÂtulad na resulta.
Isinalpak ni 6-foot-8 JaÂpeth Aguilar ang isang three-point shot kasabay ng pagtunog ng final buzÂzer para ilusot ang Barangay Ginebra laban sa MeÂralco, 83-82, sa 2013-2014 PBA Philippine Cup kagabi sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Ito ang pang-anim na sunod na arangkada ng Gin Kings para patuloy na banderahan ang torneo sa kanilang 9-1 kartada.
Nauna nang nagsalpak si Aguilar ng 3-pointer para sa 97-95 panalo ng GiÂÂnebra kontra sa three-time defending chamÂpions na Talk ‘N Text noÂong Disyembre 8.
“Same play as with Talk ‘N Text but with a lot of options,†sabi ni coach Ato Agustin sa nasabing tres ni Aguilar laban sa Tropang Texters at Bolts.
Bago ang tres ni Aguilar ay tumikada muna si 6’7 Jay-R Reyes ng kanÂyang 3-point shot sa naÂlalabing 12.8 segundo paÂra ilapit ang Gin Kings sa 80-82 agwat matapos ang split ni John Wilson sa panig ng Bolts, nalasap ang kanilang pang-apat na diÂkit na kabiguan.
Ang dalawang mintis na free throws ni Wilson ang nagresulta sa tres ni Aguilar para sa panalo ng Ginebra na tinalo ng MeÂralco, 87-100, noong DisÂyembre 3.
“Credit to my big guys. Credit to Meralco they played great, especially on defense. They conÂtrolled our bigs and our shooters,†wika ni Agustin.
Umiskor si Aguilar ng 15 points sa ilalim ng 17 ni rookie center Greg Slaughter para sa Gin Kings, habang may 14 si Mac Baracael at 13 si LA TeÂnorio.
Naitabla ni Tenorio ang Ginebra sa 73-73 sa 3:25 ng fourth quarter kasunod ang pagtutuwang nina Jared Dillinger at Reynel HugÂnatan para ilaÂyo ang MeÂralco sa 81-75 sa huÂling 1:00 minuto.
Huling nahawakan ng Bolts ang unahan sa 82-77 matapos ang split ni Wilson, dating naglaro sa Gin Kings, sa natitirang 15.1 seÂgundo.
Nagtala si Dillinger ng 16 markers para sa Meralco kasunod ang 13 ni HugÂnatan at 12 ni Wilson.
Sa ikalawang laro, nag-init ang Petron Blaze sa fourth quarter para taÂluÂnin ang Talk ‘N Text, 105-91.
Tinapos ng Boosters ang kanilang dalawang suÂnod na kamalasan kaÂsabay ng pagpigil sa TroÂpang Texters sa asam nilang pang-apat na dikit na arangkada.
Nauna nang nagposte ang Petron ng matayog na 7-0 kartada bago matalo sa Ginebra at Rain or Shine.
Binanderahan ni Marcio Lassiter ang BoosÂters mula sa kanyang 22 points kasunod ang 19 ni ArÂwind Santos at 16 ni Chris Lutz.
Samantala, nakatakdang harapin ng Rain or Shine ang San Mig Coffee ngayong alas-5:15 ng haÂpon matapos ang salÂpukan ng Globalport at BaÂrako Bull sa alas-3 sa Mall o Asia Arena.
Target ng Elasto PainÂters ang kanilang ikatlong dikit na panalo at pagsolo sa ikatlong puwesto sa pagsagupa sa Mixers.
Ginebra 83 - Slaughter 17, Aguilar 15, Baracael 14, Tenorio 13, Ellis 7, CaÂguioa 6, Urbiztondo 5, ReÂyes 3, Monfort 2, Helterbrand 1, Mamaril 0.
Meralco 82 - Dillinger 16, Hugnatan 13, Wilson 12, David 9, Cortez 8, CaÂram 6, Sena 6, Allado 6, GueÂvarra 3, Hodge 3, Al-HusÂsaini 0.
Quarterscores: 27-22; 40-40; 59-60; 83-82.
Petron 105 - Lassiter 22, Santos 19, Lutz 16, CabagÂnot 12, Tubid 8, Kramer 8, Taha 6, Deutchman 6, Lanete 4, Duncil 2, Ross 2.
Talk ‘N Text 91 - Castro 23, Fonacier 19, De Ocampo 12, Seigle 10, Reyes J. 7, Baclao 4, Poligrates 4, CaÂrey 4, Aban 2, Williams 2, Anthony 2, Alapag 2, Celiz 0.
Quarterscores: 17-27; 45-52; 76-64;105-91.
- Latest