^

PM Sports

Pacquiao nagbigay ng pag-asa sa mga Pinoy

Mae Balbuena - Pang-masa

MANILA, Philippines - Pambansang Kamao, Pinoy boxing hero,  Figh­ting Congressman.

Ito ang mga titulong ibi­nigay kay Manny Pacquiao ngunit higit dito ay ki­nikilala siyang bayani ng mga Pinoy lalo na ng mga mahihirap na kanyang natutulungan.

Bumagsak ang estado ni Pac­quiao sa larangan ng bo­xing matapos makalasap ng pagkatalo kontra ki­na Timothy Bradley Jr. at Juan Manuel Marquez no­ong 2012.

Hinusgahan si Pacquiao sa mga pagkatalong ito at may mga nagsabing la­os na ito at tapos na ang kanyang boxing career.

Bumagsak din ang morale ng mga Pinoy dahil sa sunud-sunod na dagok ang sinapit ng bansa.

Baha, kaguluhan sa Zam­boanga, isyu sa pork bar­rel at kung anu-ano pang problema at ang pi­nakahuli ay ang pagsalanta ng pinakamalakas na bag­yo sa kasaysayan ng mundo na Yolanda.

Lugmok ang Pilipinas nang magawang ibangon ni Pacquiao ang morale ng mga Pinoy sa pama­ma­gitan ng kanyang im­pre­sibong unanimous decision win kay Brandon  ‘Bam Bam’ Rios.

Matagal na nagpahi-nga sa boxing si Pacquiao at nang maitakda ang Pac­quiao-Rios fight ay pi­naghandaan niya ito ng mabuti.

Sa kasagsagan ng kanyang training, sumalanta ang bagyong Yolanda.

Likas kay Pacquiao ang pagdamay at pagtulong sa mga nasasalanta ng bagyo. Nang higit na kailangan si Pacquiao ng mga taong dumanas ng hagupit ni Yolanda, hindi siya agad makapagbigay ng tulong, bagkus ay ini­alay niya ang kanyang laban sa mga Pinoy parti­kular sa mga taga-Tacloban.

Naibsan ang hirap na di­naranas ng mga Tac-lo­ban nang magkaroon si­la ng pagkakataong panoorin ang laban ni Pacquiao sa mga inilagay na monitors sa iba’t ibang lu­gar at  ipagdiwang ang kanyang tagumpay.

Sa pambubugbog niya kay Rios, naibalik niya ang sarili sa mapa ng boxing at nagkaroon ng pag-asa ang mga taong du­manas ng hirap at hinagpis matapos mawalan ng mga mahal sa buhay, mawalan ng tirahan at hi­rap na makahanap ng ma­kakain.

Pagkatapos ng kanyang panalo ay agad na umuwi ng bansa at du­miretso ng Tacloban upang tuparin ang kanyang pangakong bisitahin at tutulong sa mga na­salanta ng bagyo.

Kasabay ng mainit na pagsalubong kay Pacquiao ng kanyang mga kababa-yan ay ang paniningil ng Bu­reau of Internal Re-ve­nue sa kanya ng kakula-ngang bayad sa buwis.

Bagama’t na-freeze ang lahat ng kanyang assets at hindi makakuha ng kanyang pera sa bangko, gumawa ng paraan si Pacquiao para makatulong sa mga Yolanda victims.

Nagkaroon ng sagutan sa pagitan ng BIR at sa panig ni Pacquiao ngunit bandang huli ay idinaan na lang sa masinsinang pag-uusap.

 

vuukle comment

BAM BAM

BUMAGSAK

INTERNAL RE

KANYANG

PACQUIAO

PINOY

SHY

YOLANDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with