Alora, Uy sumipa ng ginto sa taekwondo
MANILA, Philippines - Napanatili ni Kirstie Elaine Alora ang kanyang tiÂtulo sa women’s heavyweight division, haÂbang guÂmawa ng ingay ang bagitong si Kristopher Robert Uy sa men’s heavyÂweight para magkaÂroon ng makinang na pagtatapos ang kampanya ng national jins sa 27th SEA Games taekwondo competition kahapon sa Wunna Theikdi Stadium sa Nay Pyi Taw, Myanmar.
Hindi natinag si Alora nang hinarap ang London Olympian na si Sorn Davin ng Cambodia at matiyagang naghintay ng tamang pagkakataon upang iuwi ang 6-4 panalo sa gold medal bout.
Isang mabilis na spinÂning head kick ang piÂnakawalan ni Alora para kuÂÂnin ang 5-3 kalamaÂngan at mautak na nilayuan si Davin hanggang sa maÂtapos ang laban tungo sa tagumpay.
Ito ang ikalawang sunod na gintong medalya ni Alora matapos pangunaÂhan din ang dibisyon noÂong 2011 SEA Games sa Indonesia.
Si Uy na tinulungan ang La Salle na winalis ang anim na laro tungo sa kampeonato sa UAAP men’s taekwondo, ay naÂkiÂtaan ng determinasyong maÂkatikim ng unang ginto sa unang paglahok sa SEA Games matapos tabunan ang 2-6 kalamangan ni Quang Duc Dihn ng Vietnam.
Isang head kick na nasundan ng 45-degree na tumama sa dibdib ni Quang ang sinandalan ni Uy upang kunin ang 7-6 panalo.
Nauna nang kuwestiyunin ng Vietnamese ang head kick na pinakawalan ni Uy.
Ngunit matapos ang video review ay malinaw na tumama ito para ibigay ang panalo sa Pilipinas.
May dalawang ginto ang Pilipinas bukod pa sa apat na pilak at pitong tansong medalya at tabunan ang 4-3-5 gold, silver at bronze medals na naiuwi noong 2011 SEA Games.
- Latest