2013 Philracom Juvenile Championships 17-2YO kabayo nominado
MANILA, Philippines - May 17 edad dalawang taong gulang na kabayo ang nominadong maglalaban-laban sa 2013 Philracom Juvenile Championships na huling stakes race sa taon.
Ang MetroTurf ang siyang tatayong host ng karerang itataguyod ng Philippine Racing Commission sa Disyembre 29 at ang premyong paglalabanan ay nasa P2.5 milyon.
Inilagay ang karera sa isang milya (1,600m) at ang mga magtatagisan ay ang Bahay Toro, coupled entries na Barcelona at Mabsoy, Castle Cat, stablemate Dixie Gold at Skyway, Fairy Star, Hello Patrick at The Lady Wins, High Grader, Kid Molave at Matang Tubig, King Bull, Kukurukuku Paloma, Mr. Bond at Love Na Love, at Up And Away.
Mahalaga ang makukuhang panalo dahil bukod sa magandang pabaon ito sa pagtatapos ng taon, maipapakita rin ng papalarin na palaban ito sa 2014 Triple Crown Championships na siyang tampok na karera para sa mga 3-year old horses.
Sasalain pa ng Philracom ang talaan dahil hanggang 14 lamang ang maximum na puwedeng maglaban sa karera.
Ang Kid Molave na pag-aari ng Jade Bros Farm and Livestock Inc. ang magiging pabirito sa karera kung ngayon ito itatakbo matapos pangunahan ang Philtobo Juvenile Championships kamakailan.
Ang iba pang sumali sa nasabing karera na sinahugan ng P3 milyon ay ang Fairy Star, Matang Tubig at Mr. Bond.
“Wala nang ibang makakaganda sa pagtatapos ng stakes races sa MetroTurf kungdi ang isagawa ang championships para sa mga juvenile horses. Maipapakita rito ang mga puwedeng palaban sa Triple Crown at pinasasalamatan ko ang Philracom sa pagbibigay-pagkakataon sa amin na gawin itong karerang ito,†wika ni MetroTurf Senior Vice President at Ra-cing Manager Rudy Prado.
Halagang P1.5 milyon ang premyong maiuuwi ng mananalong kabayo sa kanyang horse owner, habang P75,000.00 ang breeder’s purse. Ang papa-ngalawa ay mayroon P562,500 habang P312,500.00 at P125,000.00 ang maiuuwi ng papangatlo at papang-apat sa datingan. (AT)
- Latest